Rain POV
Nakauwi na ako. Inihatid ako ni Aelius kahit pa nga pinilit ko siyang ihahatid ko siya sa kanila. Binigyan niya naman ako ng assurance na mag-iingat daw siya at hindi ko kailangang mag-alala. Itetext niya daw ako once makauwi siya sa kanila. At ngayon nga ay hinihintay ko ang text niya.
Tumunog ang cellphone ko. Agad kong tiningnan kung si Aelius yun.
Nakahinga ako ng maluwag ng siya ang magtext at nakauwi na siya sa kanila.
Maya-maya pa ay nag-appear sa screen ko ang name niya.
Boss Ko Calling...
Huminga muna ako ng malalim at saka ko sinagot iyon.
"Love.."
Ayan na naman ang puso ko.. bumilis na naman. Bakit kahit sa telepono, maganda pa din ang boses niya?
"O?"
Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.
"Tipid naman,"
Hindi ako nagsalita. Wala akong maisip sabihin. Masyadong mabilis ang puso ko at baka mautal lang ako.
"Gusto ko lang sabihin na thank you.. I will never forget this day.."
'Ako din..'
Gusto ko sana yun isatinig pero nahihiya ako.
Tumahimik siya at tanging naririnig ko lang ay ang mabini niyang paghinga.
"Miss na kita.."
Nahawakan ko ang aking dibdib. Lalong nagkandabilis ang tibok ng puso ko. Nanatili akong tahimik.
"Goodnight, Rain.. Magpahinga ka na ha?"
"Ikaw din," wika ko.
"See you tomorrow.."
"See you.."
Nabalot pa kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung kailangan ko na bang patayin ang tawag na yun. Nang hindi na siya nagsasalita, naisipan kong iend na ang call pero..
"Aelius.." tawag ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita pero alam kong nakikinig siya.
"Thank you.. Goodnight.." at tinapos ko na ang call na yun.
Sumandal ako sa pader habang nakaupo ako dito sa aking kama. Mabilis pa din ang tibok ng puso ko at hindi nagtagal ay may namutawi na ngiti sa aking mga labi.
Sobrang memorable ng araw na ito para sa akin.
Naexperience ko ang mga bagay na ginagawa ng mga normal at ordinaryong tao. Naramdaman ko na katulad na din ako ng ibang tao. Never kong naisip na mangyayari ito sa akin. May taong magmamahal sa akin at magpaparamdam sa akin na special ako.
Ganito pala talaga maging masaya. Ganito pala talaga magkaron ng normal na buhay.
Napatingin ako sa aking mga kamay at naalalang nakapatong iyon sa batok ni Aelius habang isinasayaw niya ako. Para namang muli kong narinig ang musikang tinutugtog kanina habang kami ay sumasayaw. Pumikit ako at nakita ko si Aelius. Nakatitig siya sa akin. Diretso siyang nakatingin sa aking mga mata.
Nakikita ko kung gano siya kasaya. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagmamahal niya sa akin. May contentment, may peace. Niyakap niya din ako nun kaya naman naexperience kong magsabay yung heart beat naming dalawa. Nung una hindi ako makapaniwala pero habang yakap yakap niya ako naririnig ko yung heartbeat niya at kasabay yun ang heart beat ko.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...