Chapter 62

264 24 13
                                    

Rain POV

Hawak ng Araw ko ang aking kamay habang naglalakad kami dito sa school. Papunta kami ng outdoor court. May laro kasi sila e. Ako naman mamayang hapon pa.

Pinagtitinginan kami ng lahat ng mga estudyante. Hindi naman nila magawang magbulungan kaya hanggang tingin na lang sila sa amin.

"Dumating ka din!!" sigaw ni Larkin ng makita si Aelius.

Nalate kasi kami ng dating. Natripan kasi ni Aelius kagabi na magbinge-watching kami sa Netflix. Kaya ayun napuyat kami parehas.

"Wag ka na magalit, andito naman na ako!"

"Tss! Siguraduhin mo lang na walang mimintis sa tira mo mamaya,"

Agang-aga nakasimangot agad si Larkin. Nakakapanibago tuloy. Parang nagkapalit ata sila ng personality ni Aelius. Ngiting-ngiti kasi ang Araw ko ngayon kahit asar na asar sa kanya ang kaibigan niya.

"Oo na!"

Inirapan pa siya ni Larkin.

"Ang sama ng mood ng bestfriend mo ah," bulong ko kay Aelius ng tumabi siya sa akin sa bench.

"Kabado lang yan," may kinukuha siya sa kanyang bag.

"Talaga?? Ngayon ko lang nakita yang ganyan," hindi ko mapigilang mapatawa.

"Kaya nga," at tumawa na din siya.

Tumigil naman kami dahil sinamaan kami ng tingin ni Larkin pero ng hindi na ito nakatingin sa amin, humagikgik ulit kami ng tawa pero mahina na.

Tumunog ang buzzer. Magsisimula na ang laro nila.

Inilapit naman ni Aelius ang pisngi niya sa akin kaya nakangiting binigyan ko siya ng kiss.

"Para sayo lahat ng tira ko," kinindatan pa niya ako at saka siya pumunta sa loob ng court.

Nagsimula na silang maglaro. Chinicheer ko naman sila. Hindi ko kasama si Amity, hindi ko alam kung bakit wala pa siya. Maging si Crystal, hindi ko pa din nakikita.

"Bakit parang ayos na naman sila? Akala ko ba nag-away sila nung Friday?"

Narinig kong may nag-uusap di kalayuan sa akin. Hindi ko naman sila pinansin at pinagpatuloy na lang ang panunuod.

"Kaya nga e.. alam mo ba sabi ng sister ko, kitang kita daw niya na galit na galit si Fontanilla dyan sa Rain na yan.. nakakapagtaka lang kung bakit parang wala man lang nangyari sa kanilang dalawa.."

Hindi ba pwedeng magkaayos 'te?

"Sabagay.. may tinatagong kalandian din naman yan.. pati ba naman si Cyrus Domingo, finiflirt niya.."

'Te, kelan ko yun ginawa?

"Alam mo feeling ko sinasadya nya yung pacool and mysterious effect nya e.. yung akala mo astig astigan siya.. pero pustahan, nagpapanggap lang yan.. para mapansin lang siya dito sa school.."

"Oo nga e.. kita mo, kahit bago pa lang sya dito, ang dami-dami na nyang fans.. mapababae man o mapalalake.."

"At ang malupit pa talagang si Fontanilla at Cyrus ang tinatarget talaga nya.."

Sige lang.. hayaan ko lang kayong mag-usap dyan. Alam ko namang pinaparinig nyo sa akin sadya e. Maggawa lang kayo ng mga kwento nyo dyan.. as if patulan ko kayo.

"Hindi naman kagandahan ang Rain na yan hmp!!"

Hindi ko naman mapigilan na matawa sa sinabi nila. Umalis na tuloy sila.

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon