Chapter 65

265 39 21
                                    

A/N: SALAMAT PO SA MGA COMMENTS NYO SA LAST CHAPTER! HAHAHA! HINDI NYO LANG ALAM KUNG GANO NYO AKO NAPASAYA! KILALA NYO NA KUNG SINO KAYO! HAHAHA! WABYU OL!  ˶⚈Ɛ⚈˵)

~~~~~~~~


Normal POV

"Sisiguraduhin kong ikaw ang kauna-unahang mamamatay sa mga kamay ko.."

Naglaho ang ngiti sa labi ni Crystal. Ayaw man niyang aminin pero nagsisimula siyang makaramdam ng takot. Nakakatakot ang mga mata ni Rain na diretsong nakatingin sa kanya ngayon. Mga matang hindi niya makitaan ng kung ano mang emosyon. Walang galit o ano pa man.

Ang mga matang iyon ang nakita niya ng makipaglaban ito sa warehouse. Mga matang uhaw na uhaw sa isang bagay. At ito ang kumitil ng buhay.

Habang matiim na nakatingin sa kanya si Rain ay ilang beses itong nagpupumiglas mula sa kadenang nakagapos sa mga kamay niya. Para siyang isang mabangis na hayop na nakatali na gustong gustong makawala.

Nilabanan ni Crystal ang umuusbong niyang takot. Kung hahayaan niyang kainin siya nito, mawawalang saysay lahat ng mga plano niya.

Muli siyang ngumiti. Yung ngiting walang halo ng kainosentehan.

"It's my honor and privilege to die at your hands.."

Mas lalo siyang lumapit kay Rain. Hinawakan niya ang mukha nito at inilapit niya ang kanyang mukha dito.

"I told you that I really like you.." Tumagilid ang mukha niya at unti-unting inilalapit pa lalo ang mukha kay Rain. She's going to kiss her.

Pero bago pa niya yun magawa, inipon ni Rain ang buong lakas niya para makalaya ang kanang kamay niya. Bago pa makareact si Crystal ay nasakal agad siya ni Rain. Gulat na hinawakan ni Crystal ang kamay nitong nakasakal sa kanya.

Susugod na sana si Miranda ngunit maging ang kaliwang kamay niya ay nakawala na din. Gamit ang kadenang nakagapos pa din sa kanya, winasiwas niya ito at pinatama dito. Malakas na tinamaan ng kadena sa mukha si Miranda na ikinatalsik nito.

Dalawang kamay na ang nakasakal kay Crystal. Nakahiga na siya sa semento. Hindi na siya makahinga. Unti-unti siyang bumibitaw kay Rain dahil hindi niya ito kayang pigilan.

Pero bago pa tuluyang makabitaw si Crystal naramdaman niya ang unti-unting pagluwag ng pagkakasakal sa kanya ni Rain. Napangiti si Crystal ng makita niya itong nahihirapan ng huminga. Itinulak niya ito.

Bumagsak si Rain. Malalalim ang paghingang ginagawa niya. Ang lakas din ng tibok ng puso niya. May maingay na tunog siyang naririnig at hindi niya maigalaw ang buo niyang katawan.

"Ramdam mo na ba ang lasong dumadaloy sa buo mong katawan??"

Lumapit siya kay Rain. Tanging mga mata lamang ang naigagalaw ni Rain.

"Alam mo ang Amur Adonis di ba? Kapag ininom mo ito, unang atake sayo ay mawawalan ka ng malay. Sunod ay mapaparalisa ka at ang panghuli ay mamamatay ka na.." Hinaplos-haplos niya ang mukha ni Rain.

"Maasahan ka talaga Mirry, nagawa mong ipainom sa kanya ang Amur Adonis.."

Tumayo si Miranda. May natamo siyang sugat sa ginawang pag-atake sa kanya ni Rain. Nakapikit ang isa nitong mata at may dugong umaagos mula dito.

"Ginamit ko lang ang charm ko.." Nakangisi niyang wika.

Hinaplos ni Crystal ang labi ni Rain.

"Kayang kaya kitang iligtas Rain.. sabihin mo lang.. sabihin mo lang na ako ang pipiliin mo.. na ako ang gusto mong makasama.. lahat ng ito kakalimutan ko.. bubuhayin kita.. basta ipangako mong iaalay mo sa akin ang buhay mo.."

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon