Larkin POV
Inalalayan ko pababa si Blaze. Inilayo ko na siya kila Tristan bago pa magkagulo.
'Bakit kaya nagkaganito ito? Kanina pa siya badtrip e. Dahil kaya kay transferee? Hindi ko naman alam na andito din yun e! Tss! Paniguradong sisisihin ako nang isang ito bukas na bukas,'
"G-Gusto ko mag-cr.." Mahinang wika ni Blaze.
"Sige! Sige! Punta tayong restroom," Inalalayan ko siya papuntang restroom.
Bumitaw siya sa akin nung papasok na kami sa loob ng restroom.
"Kaya kong mag-isa," at pumasok siya sa loob. Hindi na naman ako sumunod dahil baka magwala pa ito kapag nakita akong nakasunod sa kanya. Hinintay ko na lang sya dito sa labas.
"Kilala mo ba yung babaeng natutulog sa may cr?"
Napatingin ako sa dalawang babaeng dadaan sa harapan ko. Galing sila sa girl's restroom na katabi lang nitong panlalakeng restroom.
"Hindi! Pero I think siya yung babaeng ipinagtanggol kanina dun sa dance floor,"
Nagsalubong ang kilay ko. Biglang pumasok sa isip ko Si Amity. Hindi pa naman lumalabas si Blaze kaya sisilipin ko muna kung si Amity nga yung sinasabi ng dalawang babae.
Tumingin ako sa paligid, wala namang ibang tao. Kumatok muna ako sa pinto saka ko dahan-dahang binuksan ang pinto. Tumambad naman agad sa paningin ko ang isang babaeng nakahandusay sa may pagitan ng mga cubicle at ng mga sink.
Lumapit ako dito at nagsalubong ang mga kilay ko nang masiguradong si Amity nga ang babaeng natutulog dito sa may sahig ng restroom. Nagulat ang babaeng lalabas sana ng cubicle.
Nginitian ko siya.
"Sorry, susunduin ko lang itong kasama ko.. Kanina pa namin siyang hinahanap, dito na pala nagpassed out.."
"Kasama mo ba siya? Kanina pa siya dyan e simula nang pumasok ako," Tuluyan na siyang lumabas ng cubicle.
"Oo e pasensya na sobrang nalasing lang,"
"Tulungan na kita?" Nag-alok ng tulong yung babae.
"Naku hindi na! Kaya ko na to! Gigising ko lang siya saglit,"
"Ahh okay sige," Ngumiti sa akin yung babae at saka siya lumabas ng restroom.
Binalingan ko na si Amity. Umupo ako para gisingin ito.
"Hoy Amity!" Niyugyog ko ang braso nito para magising pero hindi naman ito nagigising.
"Hoy! Gumising ka dyan!" Medyo nilakasan ko na yung pagyugyog ko sa kanya.
Bumakas ang pinto ng restroom. Nagulat pa yung dalawang babaeng papasok sana ng makita ako.
"Wait lang mga miss ah! Gigising ko lang ang kaibigan ko.. Nakatulog na dito sa kalasingan e," Hingi ko nang paumanhin sa kanila. Tumango naman sila at saka muling isinara ang pinto.
"Hoy! Ano ba? Gumising ka na! Nakakaabala ka na sa mga tao dito!"
Hinawakan ko ang dalawa niyang balikat at ibinangon ito. Niyugyog ko siya para magising.
"Hmmnn.."
Mukhang naalimpungatan naman siya.
"Hoy Amity!!" Medyo malakas na yung boses ko para marinig niya ako ng maayos.
"A-ano ba? Natutulog ako wag kang m-magulo! Hik!" Inalis niya yung mga kamay ko at muling nahiga.
"Andito ka sa banyo kaya wag ka ditong matulog!"
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...