Aelius POV
Nanalo ang team namin sa basketball kahit pa nga iniwan ko sila. Kayang kaya naman nila yun e. Sayang nga lang at ang ganda na nang umpisa namin. Chineer na ako ng ulan ko. Grabe! Ang saya lang sa pakiramdam! Totoo nga pala yung sinabi ni Larkin sa akin dati na kahit ang daming nagsisigawan, boses lang ni Rain ang maririnig ko.
Pero ayos lang kahit na naputol agad lahat ng yun, nakakiss naman ako sa ilong niya kanina. Nakakakilig talaga! Hahaha! Para akong bulateng inaasinan e. Parang sasabog yung puso ko sa sobrang saya.
Hindi man maganda yung nangyari sa Dean's Office, natabunan naman lahat yun ng pagkiss ko sa ilong nya.
Ngayon, andito kami sa may field. Ang ulan ko naman ang papanuodin namin. May game sila sa Baseball, kalaban nila ay Grade10. Mainit man dahil katirikan ng araw, ayos lang excited pa din akong mapanuod ko siyang maglaro.
"Ah ah! Parang mapupunit na mukha mo dyan kakangiti pre ah!" Pansin sa akin ni Larkin. Kasama ko din siya sa panunuod maging si Amity at Medina.
"May nangyari siguro sa inyo ni Rain kanina no? Nung bigla nyo kaming iwan,"
Lalo naman akong napangiti kasi naalala ko na naman yung ginawa ko kay Rain.
"Inang! Meron nga! Anong ginawa nyo ha???" Lumapit pa lalo sa akin si Amity.
"Kiniss ko siya sa ilong niya.." Tinakpan ko pa yung bibig ko. Ewan ko kinikilig kasi ako e. Nakakabading talaga pag kinikilig. Ramdam ko din ang pag-init ng tenga ko.
Hinawakan ni Amity yung braso ko tapos hinila hila yun.
"Eeeehhh!! Kiniss mo siya sa ilong????" Maging siya ay kinikilig din.
Nasa pagitan nila ako ni Larkin pero naabot ni Amity ang buhok ni Larkin tapos hinila ito.
"A-aray!! Ano ba Amazona!!!" sigaw ni Larkin. Tinanggal niya ang kamay ni Amity sa buhok niya.
"Nananakit ka?!!" Nanlalaki yung ilong nya.
"E kinikilig ako e!!" Tatawa-tawa namang sagot ni Amity.
Ako naman ay natatawa na din sa dalawa.
'Ang saya saya ko talaga..'
Tinanaw ko si Rain. Nakaupo pa ito kasama yung mga kakampi niya sa kanilang dugout. Hindi pa naman kasi naguumpisa. Nakatingin lang ito sa gitna ng field tapos poker face pero maganda pa din siya. Hahaha!
"Anong ginawa ni Rain???" Rinig kong tanong ni Amity.
Napakamot ako sa ulo.
"Sinikmuraan nya ako,"
"Hahahahahahaahhaha!!" utas sa pagtawa si Larkin.
Pinabayaan ko na lang siyang tumawa kasi nakakatawa naman talaga.
"Si-sinikmuraan ka??" Tanong pa niya kahit tawa pa din siya ng tawa.
"Ibang klase talaga si Rain! Ang siga!" Natatawa din si Amity.
Nasulyapan ko naman si Medina sa tabi niya na pinipigilan din ang pagtawa.
"Pero okay lang! Para sa akin, sweet kaya yun! Kitang kita kong namula siya,"
"Bagay na bagay talaga kayo! Isang sadista at isang masokista!" Tumawa na naman si Larkin.
"Gusto ko tuloy makita yung face ni beshie habang namumula!"
"Pero Blaze, sa susunod sa lips mo na siya ikiss! Hina hina mo naman e,"
Nasamid naman ako sa sinabi ni Amity.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...