Chapter 17

440 29 2
                                    

Rain POV

'Sa wakas natapos ko din..'

Ginalaw-galaw ko ang ulo ko maging ang mga balikat at braso ko nang matapos ako sa panonood ng mga videos. Tumayo ako at nag-stretching. Nagsquat pa ako ng ilang beses.

"Hmmmnn.."

Napalingon ako kay Fontanilla.

'Anong ginagawa nito?'

Taka akong tinitingnan sya. Nakataas kasi ang dalawa niyang mga kamay na akala mo may inaabot sya.

'Gising na ba 'to?'

Nilapitan ko sya at nakita kong nakapikit pa din naman sya pero nanatili ang mga kamay nya sa ere.

"Oy," Tawag ko sa kanya pero nanatili siyang ganun.

"Hmmnn.." ungot ulit niya at talagang parang may inaabot talaga siya.

Nanaginip siguro ang isang ito. Kaya naman minabuti kong bigyan siya ng unan, pagkabigay ko sa kanya ng unan ay automatic niyang niyakap iyon. Nakita ko pa na ngumiti siya ng pagkalaki-laki.

Napangiti naman ako ng makita na naman siyang ganun.

'Dapat talaga mas malimit matulog ito para ganito siya palagi..' Wika ko sa sarili ko habang nakatitig sa mukha niya. Walang kabakas bakas sa mukha nya ang pagiging masungit at pagkamaselan niya.

Mahina akong tumawa ng maisip ko iyon. Ilang sandali pa ay nahagip ng mga mata ko ang alarm clock sa side table niya. Malapit ng mag-ala sais kaya naman nagpasya na akong lumabas ng kwarto niya.

"Rain!!" Tawag sa akin ni Axel pagkalabas ko ng kwarto ni Fontanilla.

"O?"

"Ano pong ginagawa mo dyan sa kwarto ni kuya? Dyan ka natulog?" Nakangiting tanong niya sa akin.

Umiling ako.

"Hindi ako natulog dyan, may pinatrabaho lang sa akin ang kuya mo."

"Ahh.." Tumango-tango pa siya.

"Gising na po siya?"

Umiling ulit ako. Bigla namang may naamoy akong masarap na niluluto kasabay nun ang pagkalam ng sikmura ko.

"Gutom ka na po?" Tanong na naman sa akin ni Axel pero yung mukha niya napakainosente.

Napakamot ako sa ulo.

"Medyo,"

Ngumiti si Axel.

"Tara, sabay po ulit tayong magbreakfast!"

"Hindi na, Axel! Kelangan ko na munang umuwi," Tanggi ko sa bata. Kahit nagugutom na nga ako, kailangan ko munang umuwi para makapagpalit ng damit.

Lalong ngumiti si Axel sa akin at hinawakan niya ako sa braso.

"A-yo-ko," at hinila na niya ako pababa sa may hagdan.

Lalo tuloy kumalam ang sikmura ko ng makalapit kami sa may dining area. Nakahain na kasi doon ang almusal. Tumawa naman ng mahina si Axel kasi rinig na rinig niya yung pagtunog ng tyan ko.

"Umupo ka na po dito Rain!" Pinaghila pa niya ako ng upuan sa tabi niya, sa dati kong pwesto nung unang beses akong mag-almusal sa bahay na ito.

Hindi na naman ako nagpapilit pa. Sumunod na lamang ako sa kanya. Nagugutom na din naman talaga ko. Pagkaupo ko ay sinimulang lagyan ni Axel ng pagkain ang pinggan ko.

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon