Chapter 111

220 23 11
                                    

Normal POV

One year later..

Halos takbuhin ni Darius ang papunta sa opisina ng kanyang asawa matapos makatanggap ng isang tawag.

"Athira!" bulalas ni Darius pagkabukas pa lamang ng pintuan. Napatingin sa kanya ang kanyang asawa na kasalukuyang nakaupo sa swivel chair nito at nagtatrabaho.

Humahangos na lumapit siya kay Athira.

"Kelangan nating umuwi sa Pilipinas, may nakita ng lead kay Rain!"

Napatayo ng wala sa oras si Athira. Lumapit siya sa kanyang asawa.

"T-totoo ba yang sinasabi mo, Darius?" Nanginginig ang mga kamay niya. Hindi siya makapaniwala sa natanggap na balita.

Tumango si Darius. Naluluha siya sa nalaman. Sa tagal nilang hinanap si Rain, sa wakas ay may nakita na silang lead tungkol dito.

Niyakap ni Darius ang asawa ng magsimulang umiyak ito sa kanyang harapan.

"Makikita na din natin siya sa wakas, Darius.. makikita na din natin sa wakas ang ating anak.." wika ni Athira sa gitna ng kanyang paghikbi.

"Oo Athira.." mahigpit nya itong niyakap at hindi din niya mapigilan ang pagkawala ng kanyang mga luha.


Agad na bumalik sa Pilipinas ang mag-asawa kasama si Axel. Hindi nila kasama si Aelius dahil kasalukuyan itong nasa Japan. Ilang buwan na din itong namamalagi sa bansang iyon. Hindi naging madali dito ang pagclaim ng rights niya bilang Crown Prince. Madami siyang pinagdaanan pero hindi naman iyon pinagkait sa kanya ng mapatunayang siya nga ang nawawalang Crown Prince.

Sila Athira at Darius lang ang nakakaalam ng dahilan kung bakit sila umuwi ng Pilipinas. Sisiguraduhin muna nilang totoo ang lead na nakuha ng mga taong hinire nila. Ayaw na nilang paasahin sila Aelius at Axel dahil ilang beses din silang nabigo sa paghahanap kay Rain.

"Axel, aalis muna kami ni Mommy mo ha? May aasikasuhin lang kami," wika ni Darius ng makarating sila sa kanilang bahay.

"Sige po Daddy! Dito muna po ako sa bahay,"

"Take a rest baby okay?" wika naman ni Athira.

"Yes Mommy!" Humalik sa pinsgi ng mga magulang si Axel at saka siya dumiretso sa kanyang kwarto.

Hinawakan ni Darius ang kamay ng asawa ng sila na lamang ang naiwan. Tinanguan naman ito ni Athira. Handa na silang puntahan ang lugar kung saan mamimeet na nila ang taong magbibigay sa kanila ng impormasyon kung nasaan si Rain.


Kahit na naging mahaba ang byahe nila from Russia to Philippines, hindi na sila nagpahinga at dumiretso na sila papuntang Palawan. Ilang oras din ang binyahe nila bago makarating sa Puerto Princesa. Doon naghihintay ang taong nakakita kay Rain. Kasama na ito ng mga taong hinire ng mag-asawa.

Ang lakas ng tibok ng puso ni Athira habang papasok ng hotel kung saan andoon ang taong makakatulong sa kanila.

"We are here for Mr. Jonathan Cuevas," wika ni Darius sa receptionist.

Ngumiti ang receptionist.

"For a while sir," Kinuha nya ang phone at tinawagan si Jonathan Cuevas upang iinform na may naghahanap sa kanya. Hindi din naman nagtagal at ibinaba na muli ng receptionist ang telepono at humarap kay Darius.

"Sir, nasa room 309 po sila! You can take that elevator po," itinuro ng receptionist ang elevator sa kanang side niya.

"Thank you,"

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon