Chapter 61

271 24 5
                                    

A/N: Gusto ko lang pong sabihin na thank you sa lahat ng nagbabasa at sa mga nakakausap ko dahil sa story  na ito! Hi  kay loveblueviolet heheh, try nyo din po basahin mga stories niya! Hi din kay aiegnsharsashimeee1993 at queeninthemaking! Limit kasi nila magcomment huehuehue. At syempre po sa lahat po ng nagvovotesssss~ sana di kayo magsawa! Mwuahhhh!

~~~~~~~~~~


Aelius POV

Ngiting ngiti ako habang tinititigan ang babaeng pinakamamahal ko. Nakahiga kami sa kama ko. Hehehe. Pero wala naman kaming ginawa syempre no? Good boy kaya ako. Gusto ko lang makatabi siya sa pagtulog ko.

Parang lumulutang ako sa ulap. Ganito pala yung feeling kapag sinagot ka na ng nililigawan mo. Ganito pala ang feeling kapag nireciprocate ang love mo. Ganito pala ang feeling kapag mahal ka ng mahal mo.

Nakangiti si Rain habang natutulog. Maganda siguro ang napapanaginipan niya. Sigurado ako, ako ang napapanaginipan niya. Hehehe.

Hinaplos ko ang buhok niya. Mas lalo tuloy niyang siniksik ang sarili niya sa akin.

'Hayyyyy.. sarap sa feeling.. ayoko ng matapos ito..'

Napunta naman ang paningin ko sa mapupula niyang lips. Hindi ko tuloy mapigilang kumawala ang ngiti ko. Naalala ko kasi ng ikiss niya ako kagabi.

'Aaahhhh!! Naexperience ko na din ang first kiss ko! At siya ang first kiss! Hhihii. 'Langya! Nakakabading talaga, kinikilig ako sooooobraaaaaaa~~'

Para tuloy akong tinatawag ng lips niya. Napalunok ako. Hindi naman siguro magagalit ang Ulan ko kapag kiniss ko siya ng tulog di ba? Hihihi.

Pigil-pigil kong matawa. Kinikilig talaga ako.

Pinakatitigan ko yung mukha niya tapos pumikit na ako at dahan-dahan kong inilalapit ang mukha ko sa mukha niya.

Ang laka lakas din ng tibok ng puso ko.

"Blaze.."

Nakapikit pa din ako at patuloy ako sa paglapit sa kanya. Cute din pala kapag tinatawag niya ako sa second name ko pero mas gusto ko pa din na tawagin niya ako sa first name ko.

"Blaze.."

Ang tagal namang lumapat ng labi ko sa labi niya.

"Blaze!"

Ngumuso na ako.

"Hoy Blaze!!!"

Wala sa oras na napamulat ako dahil sa sigaw na yun. Pagmulat ko, hindi si Rain ang nasa harapan ko kundi si Larkin. Ang lapit ng mukha niya sa akin.

"Waaaaaaaaa!!!" Napabalikwas ako ng bangon sa aking kama.

Nagtataka akong tumingin sa kanya. Bakit andito ang bopols na yan?? Nasan na ang Ulan ko?? Magkikiss na kami ah!! Bakit pagmumukha nyan ang nakita ko!?

Nagsimula siyang tumawa.

"Potek Blaze!! Laughtrip ang mukha mo kanina! Hahahahahaha!" Pumikit siya tapos nagngunguso siya doon sa harapan ko.

Sinamaan ko naman siya ng tingin sa sinabi niya.

"Ano bang ginagawa mo dito ha?? Si Rain ang kasama ko dito ah!! Bakit ikaw ang andito!?" sigaw ko sa kanya.

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon