Rain POV
Alas-syete ng umaga ako dumating sa bahay ni Fontanilla. May practice kasi kami ngayong umaga ng 8 am.
"Magandang umaga Ser," bati ng guard sa akin ng mapagbuksan nya ako ng gate. Tinanguan ko lang sya nang bahagya.
Isang napakalaking bahay ang tirahan ni Fontanilla. Kaya naman naglalakad pa talaga ako ng mahaba-haba para lang makarating sa pinto ng mismong bahay nila. Buti na lang may mga punong nakahilera sa pathway.
Napansin naman agad ako ng isang katulong na mukhang kaedad ko lamang.
"Magandang umaga po," yumukod pa sya sa akin.
Igigiya pa sana nya ako papasok ng bahay ng pigilan ko sya.
"Dito na lang ako maghihintay,"
"Sige po, ipapaalam ko lang po na naririto na po kayo.."
Tinanguan ko lang sya at iniwan na ako ng katulong.
Tumingin na lamang ako sa paligid ko. Magandang pagmasdan ang front yard ng bahay na ito dahil maraming puno at iba't ibang halaman at bulaklak ang naroroon. Malakas makanature vibe ang ambience kaya naman tunay na nakakarelax.
"Rain!!!"
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko si Axel na nakaswimming trunks habang may suot siyang salbabida sa may tyan nya.
Lumapit sya sa akin at nilapitan ko din siya. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila nya ako papunta sa kung saan.
"Teka Axel," pero dire-diretso lang sya hanggang sa makarating kami sa Pool Area. Kung anong iginanda ng front yard nila ay ganun din ang lugar na iyon.
Dinala niya ako sa gazeebo na nasa tabi ng pool. Nakakasilaw ang tubig sa pool dahil sa sikat ng araw.
Pinaupo niya ako at tumayo siya sa harapan ko.
"Buong araw ka bang andito Rain?" nakangiting tanong nya sa akin.
"Hindi e, susunduin ko lang ang kuya mo. May practice kasi kami sa school,"
Bigla namang lumungkot yung mukha niya.
"Ganun po ba?" Tumango ako.
Ngumiti ulit siya.
"Kumain ka na ba?" Tumango ulit ako.
"Pwede po bang samahan mo muna po ako dito habang wala pa si kuya?"
Bahagya akong ngumiti at tinanguan ulit siya.
"Yehey!! Gusto mo pong magswimming din??"
"Hindi na, papanuodin na lang kita okay?" at ginulo ko ang buhok niya.
Mukhang ikinatuwa naman niya yung ginawa ko kaya lumawak na ang ngiti niya.
"Sige na nga po! Magsiswimming lang po ako ha Rain?"
"Sige," at nginitian ko siya.
Masayang lumapit si Axel sa pool at tumalon na ito. Kumaway pa siya sa akin nung lumutang siya sa tubig at saka siya nagsimulang maglangoy.
Tahimik ko lamang siyang pinanuod. Kahit mag-isang naglalangoy si Axel ay masaya pa din siya. Twing titigil siya ay lilingunin niya ako at saka niya ako kakawayan. Bahagya ko namang tinataas ang kamay ko bilang pagtugon sa kanya.
Makalipas ang 15 minutes ay lumapit na sa akin ang katulong na kausap ko kanina.
"Sir,"
Tumayo ako.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...