Chapter 99

212 19 7
                                    

Sebastian POV

Nakatitig lamang ako sa magkasalikop kong mga kamay. Hindi alintana ang ingay dito sa waiting area. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari.

'What did you do Savannah..? Bakit hindi ka nakinig sa akin..?'

"Sebastian.."

Natigilan ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses na yun. Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya ay alam ko ng umiiyak ito. Alam kong nasasaktan ito.

There's a pang in my heart when I looked at her. She's crying. Tumayo ako at agad siyang yumakap sa akin.

"Sebastian.. si Rain.." wika niya sa gitna ng paghikbi niya.

Walang salitang lumabas sa aking bibig. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko papagaanin ang loob niya. Niyakap ko na lamang siya. Baka sakaling sa paraang yun mabawasan yung sakit na nararamdaman niya.

Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam kung ano ang una kong dapat maramdaman.

Nabigla ako ng mabilis na hinila ni Blaze si Amity palayo sa akin. Sa bilis ng kilos niya ay hindi ko na nagawang mailagan ang pagsuntok niya sa akin. Natumba ako sa lakas ng suntok niya pati na din sa pagkabigla.

"Sebastian!!" Mabilis na lumapit sa akin si Amity.

"Blaze!!" Pinigilan naman agad ni Larkin ito.

"Mapapatay ko ang kakambal mo sa ginawa niya kay Rain!! Hinding hindi ko siya mapapatawad!!" Sigaw niya sa akin. Nanlilisik ang mga mata niya.

"Blaze! Calm down!" Pilit inilalayo ni Larkin si Blaze.

"Tangina Larkin paano ako kakalma?? Sa ginawa ng hayop na Savannah na yun kay Rain!! Dahil sa kanya nag-aagaw buhay ngayon si Rain!!"

Hindi ako makapagsalita. Yumuko ako. Hindi ko kayang makita ang itsura ni Blaze. Naririnig ko din ang bawat paghikbi ni Amity sa tabi ko. Wala akong magawa kundi ikuyom lamang ang mga kamao ko.

"Blaze please.. wag dito.." pakiusap ni Larkin. Nakuha na namin ang atensyon ng mga tao. May lumapit ng security guard para mapigilan ang pagwawala ni Blaze.

"Pasensyahan tayo Seb dahil oras na makita ko yang kakambal mo, mapapatay ko siya! Naiintindihan mo ba?? Mapapatay ko ang babaeng yun!!"

Bago siya umalis ay narinig ko pa siyang nagmura. Sumunod sa kanya si Larkin.

"Sir," Nilapitan ako ng guard at tutulungan sana akong tumayo pero pinigilan ko siya. Si Amity ang umalalay sa akin upang makatayo.

"A-ayos ka lang ba..?" Nag-aalalang tanong nya sa akin.

Tipid akong ngumiti sa kanya at tumango. I wiped her tears that streamed down to her face.

"Amity.."

Nakatingin lamang siya sa akin.

"I need to leave.."

Nagkaron ng pangamba ang mukha niya.

"May kailangan lang akong asikasuhin.. Sorry kung mawawala muna ako sa tabi mo ngayon ha? I want you to be strong okay?"

I closed my eyes as I planted a kiss on her forehead. Ayoko siyang iwan dahil alam kong kailangan nya ng kasama at masasandalan. Pero hindi tamang makita ako dito ni Blaze, wala man akong kasalanan sa nangyari kay Rain, kakambal ko pa din si Savannah. Maalala at maalala niya ang ginawa ni Savannah kay Rain. Tsaka I need to talk to her. Kailangan niyang harapin ang consequence ng ginawa niya.

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon