Chapter 28

471 22 0
                                    

Amity POV

Hindi muna ako bumaba mula sa kotse ko. Hindi ko kasi alam kung bakit kanina pag gising ko, iba na ang pakiramdam ko. Kinakabahan ako na hindi ko alam kung bakit. Nakahawak pa din ako sa manibela. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Ganitong ganito yung naramdaman ko nung natapos ang pagkakaibigan namin nila Larkin at Blaze. 

Inilapat ko ang aking ulo sa manibela at pumikit. Ilang minuto din akong nasa ganung posisyon hanggang sa magpasya na akong pumunta na sa room namin. Humugot ako ng malalim na hininga at saka ako lumabas ng kotse.

Habang naglalakad ay inalala ko na lamang ang mga lines ko sa script para malimutan ko ang kabang nararamdaman ko. Nagtagumpay naman ako don. Pero pagdating ko sa tapat ng room namin muli na naman akong kinabahan. Ilang beses akong naginhale at exhale at umiling iling pa.

'Hindi ko alam kung san ba nanggagaling ang kabang ito pero kung padadala lang ako dito sa nararamdaman ko, ako lang din ang lalabas na katawa-tawa..'

Hinawakan ko ang door knob at bago ko iyon pihitin ay muli akong nagpakawala ng hangin mula sa bibig ko at naglagay ng ngiti sa labi ko.

Ang lahat ay nakatingin sa akin ng buksan ko ang pintuan.

"Good morning!" Bati ko sa kanila pero wala akong nakuhang bati mula sa kanila.

Nakatingin lang sila sa akin. Nagtaka naman ako at unti-unti lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

"Amity.." mahinang wika ni Debbie, isa sa medyo kaclose ko sa room namin. Tumingin ako sa kanya, nakatayo siya malapit sa akin. Pero natigilan ako ng makita ko ang whiteboard sa may likuran niya.

Parang biglang tumahimik ang paligid ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

The School Slut is back! Welcome back Amity Velasquez! SAU's number 1 whore!!!

Ayan ang nakasulat sa whiteboard. Parang ilog na rumaragasang bumalik sa akin ang nakaraan ko.

"Amity.." Natauhan ako sa muling pagtawag sa akin ni Debbie.

At mabilis akong lumapit sa whiteboard. Pagkakuha ko ng eraser ay daglian kong binura ang nakasulat. Nanginginig ang mga kamay ko habang nagbubura.

Gusto kong magwala. Gusto kong magalit sa kung sino man ang gumawa nito. Pero hindi ko alam kung sinong may pakana nito. Kaya pala ako kinakabahan kanina, ito ang mabubungaran ko. Dumating na naman ang kinatatakutan ko.

Nabura ko ang nakasulat sa whiteboard. Nanatili akong nakatayo duon at mahigpit na hawak hawak ang eraser. Hindi ko maimagine na babalik sa dati ang buhay ko.

Wala sa sariling napalingon ako sa may pintuan at nagulat ako dahil andun sila Larkin at Blaze. Pero ng mapansin ko si Rain sa may likuran nila ay napilitan akong ngumiti. Ibinaba ko ang eraser at agad na lumapit sa kanya. Hindi ko pinansin ang dalawa.

"Hi Rain!" bati ko sa kanya. Tumango lang naman siya sa akin.

Buti na lang nauna akong dumating sa kanila. Buti na lang hindi nila nakita yung nakasulat sa whiteboard. Ayokong isipin nilang may nangbubully sa akin which is totoo naman.

Umupo na kaming dalawa ni Rain.

"Hey Rain, bakit wala ka kahapon ha?" Tanong ko sa kanya.

"May kinailangan lang akong asikasuhin,"

"Ganun ba? Kaya naman pala.. pero next time Rain magpaalam ka kay Sam.. strict kasi yun pagdating sa practice e,"

"Nagalit ba siya?"

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon