Aelius POV
Kung kelan naging normal ang lahat, saka ko naman hindi makasama ang Ulan ko. Onting oras lang tuloy ang Love Time namin. Tss! Pwede ko namang iutos na lang yun kay Dean kaso dapat talagang ako ang umasikaso nun, ayokong may masasabi sa akin ang parents ko na di ko inaayos ang iniwan nila saken. Maganda din namang opportunity yun, walang kahirap-hirap na magkakaron pa ako ng isang school.
Yun nga lang, hindi naman normal ang school na yun. All boys school ang Fortuna Academy at halos lahat ng estudyante ay deliquents. Masakit siya sa ulo pero tama si Dean, magiging challenging yun sa amin kung papaano babaguhin ang school na yun.
Hindi madaling patinuin ang mga estudyante dun pero binigyan ko sila ng choice kahapon. Ibinigay ko sa kanila ang responsibilidad kung gusto nilang magpatuloy ang school nila o hindi. Kapag nakakuha silang lahat ng passing grade sa darating na Finals, tutulungan ko silang magtuloy ang kanilang eskwelahan pero kung hindi naman, wala na akong magagawa para sa kanila.
Sana lang nachallenge sila.
At dahil dun after Finals na ako kailangang bumalik sa Fortuna Academy, hindi na ako magiging busy ngayon! Yey! Makakasama ko na ulit ang ulan ko!
Ang lapad na agad ng ngiti ko ng makita siyang lumabas ng pinto. Sobrang excited ako na makasama siya ngayon.
Nakikita ko din naman na masaya ang ulan ko. Alam kong namiss di niya ako kagaya ng pagkamiss ko sa kanya.
May isang kotse na nakasabay ko sa pagpapark kaya naman magkatabi kami ng sasakyan. Pinagbuksan ko agad si Rain ng pinto. Nginitian niya ako. Hinawakan ko ang kamay niya para holding hands kami while walking.
Napansin ko yung driver ng kotseng katabi ng sasakyan ko. Nakatingin ito sa amin. Nakatingin siya sa ulan ko habang magkasalubong ang kilay. Pagkatapos ay inirapan niya si Rain.
"Kilala mo ba yun? Ginugulo ka ba nun?" tanong ko sa kanya. Baka may nambubully na naman tuloy sa ulan ko dahil ilang araw akong naging busy.
"Yun yung bagong recruit ni Pres," sagot naman niya sa akin.
"E bakit ganun yun? Parang galit sayo?"
"Wag mo na yun pansinin, spoiled brat kasi yun kaya ganun makaasta,"
Tiningnan ko yung lalake na naglalakad na palayo sa amin.
"Wag kang masyadong lalapit sa lalakeng yun ah,"
Tumingin na ulit ako kay Rain.
"Tsaka sasabihin mo saken kapag may balak gawin sayo yun! Papatalsikin ko agad siya dito," iba pakiramdam ko sa taong yun.
"Oo na po mahal na araw! Wag ng kumunot ang noo mo okay?" nginitian niya ako.
Ang ganda talaga ngumiti ng Ulan ko. Maangas na maganda. Hehehe. Kaya naman inalis ko na pagkakakunot ng noo ko at nginitian na din siya.
Pumunta na kami sa room namin.
"Ayownn! Sa wakas nakita ko na ulit ang aking bestfriend!!" bati agad sa akin ni Larkin ng makita nya akong pumasok sa room.
"Hi Blaze!" nilingon ko si Archdeacon. Nginitian ko naman siya. Hindi ko naman nakita si Amity.
"Dun na ako ulan," wika ko kay Rain ng makaupo na siya.
Tinanguan lang niya ako.
Pumunta na din ako sa pwesto ko. Nakatingin sa akin yung isa pang Archdeacon kaya tinanguan ko siya. Tipid lang namang tumango ito sa akin.
"Ano bang inaasikaso mo ha at ilang araw na kitang di mahagilap??"
Umupo muna ako bago sagutin si Larkin.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Fiksi RemajaSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...