AN: Belated happy birthday Ms. Sharlene San Pedro! (๑'ㅂ'๑)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Normal POV
"Rain!"
Lumingon si Rain sa tumawag sa kanya. Breaktime yun. Nakita niya si Crystal. Nakalabas na pala ito mula sa ospital. Nakangiting lumapit ito sa kanya.
"H-hi," bati nito.
Tipid namang ngumiti si Rain.
"Nakalabas ka na pala?"
Tumango si Crystal.
"K-kahapon ako nakalabas,"
Tumango si Rain.
"Ayos na ang pakiramdam mo?"
"Hmmn-mmn,"
"That's good."
Muling ngumiti si Crystal.
"Rain," tawag ni Amity.
Tumingin naman siya sa mga kaibigan.
"Ayos lang ba na isabay natin si Medina?"
Nagtinginan sila Larkin at Amity pagkatapos ay ngumiti sila pareho.
"Oo naman!" Sabay na sagot ng dalawa.
Tumingin si Rain kay Aelius. Seryoso ito.
"Ayos lang sayo, Aelius?"
Nakatingin silang lahat kay Aelius at naghihintay ng sagot mula dito.
"Ayos lang," sagot nito at nauna na itong maglakad.
Muling tumingin si Rain kay Crystal.
"Sabay ka na sa amin,"
Nahihiya namang ngumiti si Crystal.
"T-talaga..?"
"Oo kaya tara,"
Nakasunod ang tingin ng lahat sa grupo nila Rain. Nagtataka sila kung bakit kasama nila si Crystal.
"Bakit nila kasama si Crystal?"
"Hala! Oo nga.. ang swerte naman niya!"
"Kaibigan na din ata nila si Crystal.."
"Ibang klase naman ang babaeng yan.. kasama niya sila Aelius.."
Nakatungong nakasunod si Crystal kila Rain paakyat sa pwesto ng mga ito.
Nahihiyang umupo siya sa tabi ni Rain.
"Hi Crystal!"
Tumingin siya kay Amity. Nakangiti ito sa kanya.
"Ako nga pala si Amity, bestfriend ni Rain!" Inilahad pa nito ang kamay sa harap niya.
Hindi niya agad iyon kinuha, tumingin siya kay Rain at tinanguan naman siya nito. Nahihiyang nakipag-kamay siya kay Amity.
"I-I'm C-crystal.."
"Nice meeting you!" Sobrang warm ng pagwelcome ni Amity sa kanya.
"Ako naman si Larkin," kay Larkin naman siya tumingin at nakipagkamay din ito sa kanya.
Abala naman si Aelius sa pagkain kaya naman si Larkin na ang nagpakilala dito.
"Siya naman si Blaze,"
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
JugendliteraturSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...