Chapter 89

201 21 4
                                    

Amity POV

"Amity, kanina pa bang wala si Eli?"

Nilingon ko si Larkin ng tanungin niya ako. Tumingin ako sa paligid namin.

"Ha? Hindi ko napansin e," sagot ko sa kanya.

Luminga-linga ito at hinahanap kung nasaan si Eli.

'Larkin.. ako na lang ang andito.. pwede bang ako muna ang tingnan mo..?'

Nakagat ko ang lower part ng labi ko at nagpakawala ng konting hangin mula sa bibig ko. Nakatingin lang ako sa sahig habang pinapalakas ang loob.

"Ahmm.. Larkin, pwede ba tayong mag-usap?"

"Tungkol naman saan?"

"Can we talk alone?" Siguro ito na yung oras para malaman niya.

Seryoso akong tumingin sa kanya. Nakatingin naman siya sa akin at tumango siya.

This is it.. I will do this.. Baka sakaling kapag nalaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya.. matitingnan na niya ako not just his friend but someone who he can love.

'Sorry Eli..'

Ayaw kong manira ng relationship pero.. pero gusto kong ipaglaban itong nararamdaman ko para sa kanya.. sana maintindihan mo ako.. mas una kong minahal si Larkin kesa sayo..

Naghanap kami ng lugar kung saan kami makakapagusap ng kami lang pero mukhang mismong tadhana hindi sumasang-ayon sa gusto ko. Nakita ni Larkin si Eli na may kausap na ibang lalake.

Tiningnan ko ang itsura ni Larkin. Ang sakit lang.. dahil halatang halata sa itsura niya na hindi niya nagustuhan ang nakita.

"Amity, sandali lang!"

Iniwan niya ako dun at lumapit kila Eli. Ngayon ko lang sya nakitang magreact ng ganun. Sa tagal na naming magkaibigan at sa dami na nyang naging babae, never nyang ipinakita ang ganyang emotion.

'He's jealous..'

Pinapanuod ko lang sila. Hindi nagustuhan ni Eli ang ginawa ni Larkin. Kahit sino naman magagalit lalo pa at pagbintangan ka ng boyfriend mon a lumalandi pero hindi naman.

Pero kung ako ang nasa sitwasyon ni Eli baka sobrang saya ko na. Yung makita ko si Larkin na nagseselos ito dahil may iba akong kausap.

Nagwalk-out si Eli. Natauhan naman si Larkin sa ginawa niya. Bago pa nya masundan si Eli ay hinawakan ko ang kamay niya.

"Larkin," Tumingin siya sa akin.

"Will you please stay..?"

'Kahit ngayon lang.. please.. ako naman ang piliin mo.. kahit ngayon lang..'

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

'Please, Larkin.. don't go..'

Wala na akong pakielam kung makita nya ngayon ang tunay kong nararamdaman. Once and for all, gusto kong magpakatotoo sa kanya.

"Please.. may kailangan lang akong sabihin sayo.."

"I'm sorry Amity pero pwede bang sa ibang araw mo na lang sabihin kung ano man yan?"

Yung basag na nga ang puso ko pero lalo mong binasag. Pinagkadurog-durog mo pa.

Unti-unti kong niluwagan ang paghawak sa kamay niya.

"Sige ha? Susundan ko lang si Eli! Baka mapaano yun e,"

Naiwan akong mag-isa dun. Nakatingin sa kanya habang papalayo sa akin.

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon