Rain POV
Lunes.
Dumating ako sa room at wala pa ang teacher namin.
"Goodmorning Rain!" Bati saken ng ilan sa mga kaklase kong babae.
Tinanguan ko lang naman sila. Umupo na ako sa upuan ko. Asa tabi ko na si Velasquez pero hindi niya ako pinansin. Hindi ko na din naman siya pinansin.
'Baka wala sa mood ang babaeng ito.'
Napatingin ako sa unahan ng dumating na sila boy selan at boy tawa. Nginitian ako ni boy tawa pero hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni boy selan hanggang sa dumiretso na sila sa kanilang mga upuan.
Nagkibit-balikat na lang ako sa hindi pagpansin sa akin ni Velasquez maging ni boy selan. At nakakapagtaka dahil hindi talaga ako pinansin ni Velasquez sa loob ng dalawang subject namin.
Breaktime.
"Hmph!"
Inaayos ko ang gamit ko ng marinig kong nag-hmp si Velasquez. Lumingon ako sa kanya. Andun pa din siya sa upuan niya at nakasambakol yung mukha niya habang nakahalukipkip.
"Talagang hindi mo ako papansinin no??" Nakasimangot niyang wika.
"Ha? E ikaw tong hindi namamansin sa akin," Takang tanong ko sa kanya.
"Talagang hindi kita papansinin! Hmph!" Inirapan pa niya ako.
"Anong problema mo Velasquez?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko maintindihan yung inaasta niya.
"Anong problema ko? My gosh! Rain!" Pinanlakhan pa niya ako nang mata.
"Ano?" Inosente ko namang tanong sa kanya.
Inis siyang bumuntong-hininga.
"I've been calling you yesterday several times! Siguro hundred missed calls na nga ang nagawa ko e to the point na malowbat yung fullcharge kong phone katatawag sayo! Pero ni isa wala ka man lang sinagot!" Litanya ni Velasquez habang nanlalaki yung butas ng ilong niya.
"Kasalanan ko ba yun?" Hindi naman ako nagpapaapekto sa galit niya kahit alam kong totoo yung sinabi niya. Wala kasi ni isang tawag niya ang sinagot ko kahapon.
Bigla naman siyang tumahimik dahil naman sa sinabi ko. Nawala bigla yung inis niya sa mukha niya at napalitan yun ng lungkot.
"Nakakainis ka naman.." Biglang humina yung boses niya at sabay ngumuso na naman siya. Nagsimula syang suminghot at parang may nangingilid na luha sa mga mata nya.
'Tss! Babaeng to talaga..!'
"Ano ba kasing kailangan mo sa akin kahapon? Bakit panay ang tawag mo?"
Nakita kong hindi niya napigilang hindi mapangiti nung tanungin ko na siya pero mabilis niyang binalik yung lungkot sa mukha niya.
'Kasali ka nga talaga sa drama club..'
"E kasi gusto ko lang naman malaman kung bakit hindi ikaw yung naghatid pauwi sa akin nung sabado.." nakanguso pa din siya. Para siyang bata.
"Ah. Hindi ko kasi alam ang sa inyo kaya si Lopez na lang yung naghatid sayo,"
Bigla syang humawak sa braso ko. Medyo lumayo naman ako sa kanya.
"Sana hinayaan mo na lang akong matulog dun sa Pat/ch kesa pinahatid mo ako sa lalakeng yun!" Salubong ang mga kilay niyang wika sa akin.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Novela JuvenilSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...