Chapter 32

435 27 6
                                    

Aelius POV

Hindi nasagot ni Rain ang tanong ko dahil tumunog na ang bell. Meaning, tapos na ang lunctime at magsisimula na ulit ang klase.

Tahimik lang kaming bumalik sa classroom. Hindi na nagsalita si Rain. Kung noon hindi ko pinagtutuunan ng pansin kung sino talaga siya at san siya nanggaling. Ngayon naman bigla akong naging interesado. Gusto ko malaman kung sino ba siya. Gusto kong malaman ang background niya. Kung san siya galing at kung bakit siya naririto.

'Paimbestigahan ko kaya siya? Tutal mukhang wala naman siyang balak sabihin sa akin kung sino talaga siya.'

Agad ko din naman inalis sa isip yun. Umiling ako.

No. That will be inappropriate. Baka magalit pa siya sa akin once malaman niya na pinaiimbestigahan ko siya. Mas maganda siguro kung mismong sa kanya manggagaling at kusa niyang sasabihin sa akin.

Kung may itinatago siya.. I will let her be. Basta sa ngayon, satisfied na ako sa nalaman ko sa kanya ngayon.. that she is a girl.

Pagkalabas ng huling teacher namin ay tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Dr. Ricafort.

"Yes, hello?"

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang sinabi ni Dr. Ricafort sa kabilang linya.

"Okay, I'll be there!" Inend ko ang call.

Tumingin ako kay Rain na kasalukuyan ng nakatingin sa akin.

"Let's go! May malay na daw si Larkin!"


Rain POV

Ramdam ko ang sayang nagmumula kay Aelius. Kitang kita sa kanya na sobrang excited siya habang nagdadrive papunta sa ospital. Yeah. Sa halip na ako ang nagdadrive ay siya.

Mabibilis ang bawat hakbang niya pagkababa namin sa may parking lot. Parang gusto na nga niyang tumakbo e. He's gleaming with happiness at nakakahawa yung saya niya. Nakakagaan sa pakiramdam.

Hindi na kumatok si Aelius at basta na lang niyang binuksan ang kwarto ni Lopez. Dire diretso siya sa pagpasok. Kasunod naman niya ako.

"Larkin!" Sigaw niya ng makitang may malay na nga si Lopez. Nakaupo ito sa kama at nakasandal sa may unan. Ngumiti naman ng pagkakalaki si Lopez ng makita ang kaibigan.

Nagyakap silang dalawa. Tinapik tapik pa nila ang likuran ng bawat isa at saka naghiwalay.

"I'm glad you're awake," wika ni Aelius habang nakangiti sa kaibigan.

"I have to! Alam ko kasing namimiss mo na ako e," biro ni Lopez.

I don't know pero maging ako ay gumaan ang pakiramdam na makitang gising na si Lopez. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mapangiti sa dalawa. Sa nakikita ko ngayon, sigurado akong sobrang lalim ng pagkakaibigan nilang dalawa.

'That kind of friendship..' Nahaluan ng pait ang ngiti ko ng maalala ko ang nakaraan ko.

"Larkin! Blaze!"

Awtomatiko kaming tatlo na napatingin sa may pinanggalingan ng boses. Dumating ang isang lalake at isang babae. Kilala ko sila.

Gumilid ako upang bigyan sila nang daan palapit sa dalawa. Kasama din nila si Dr. Ricafort.

"Mom! Dad!" Ani Lopez.

Humakbang paatras si Aelius upang tuluyang malapitan ng bagong dating si Lopez.

"My baby!" Niyakap si Lopez ng nanay niya. Habang yung tatay naman niya ay nasa tabi lang nila.

"What are you two doing here?" Takang tanong ni Lopez.

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon