Chapter 36

352 23 10
                                    

A/N: Kapag andun na kayo sa part ng POV ni Aelius, pakinggan nyo yung song na kasama ng chapter na ito! You Are by Kina Grannis & Imaginary Future. :) Wala lang naiimagine ko lang na ang gandang background music sa part na yun. Heheheh. Enjoy reading!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Normal POV

Tatlong araw na ang nakakalipas pero hindi pa din nagigising si Aelius. Hanggang ngayon ay nasa ICU pa din siya dahil kelangan mabantayan ng doctor at nurse ang lagay niya. Nacomatose si Aelius.

Nalaman na din ni Axel ang nangyari sa kanyang kapatid kaya lubos ang kalungkutan nito.

"Rain.. kelan kaya gigising si Kuya?" Malungkot na tanong ni Axel kay Rain minsang bumisita siya sa kanyang kuya.

"Wag kang mag-alala, magigising din ang kuya mo.."

"Pero bakit hanggang ngayon, hindi pa din siya nagigising..?"

"Nagpapahinga lang ang kuya mo Axel.. kailangan lang talaga niya ngayon ng mahabang tulog,"

"Sana gumising na siya.. miss na miss ko na siya," Suminghot si Axel dahil naiiyak siya habang nakatingin sa kuya niya.

Lumapit si Rain kay Axel. Hinawakan niya ang ulo nito.

"Wag ka nang malungkot dyan. Alam mo bang naririnig ka ng kuya mo ngayon? Sige ka, malulungkot din siya at pag nagkaganun baka matagalan ang paggaling niya,"

Mabilis namang pinahid ni Axel ang nagbabadya niyang mga luha.

"Ganun ba Rain?"

"Oo,"

"Naririnig pa din po niya tayo?"

"Oo kaya kung ako sayo kesa magdrama ka dyan, kwentuhan mo na lang siya ng masasayang bagay para makatulong sa paggaling niya.."

Ngumiti naman si Axel sa narinig.

"Sige! Sige.. kekwentuhan ko siya ng kekwentuhan!"

Nagsimula ngang magkwento si Axel at ngumiti na lang si Rain.


Bumalik na din si Larkin sa SAU. Siya muna ang pumasok dahil nagrequest ng leave sila Amity, Rain at Aelius. Umaattend ng counseling si Amity para mawala ang naging trauma nya sa nangyaring pagdukot sa kanila ni Aelius. Habang si Rain naman ay binabantayan si Aelius sa ospital.

Ginawan na lang ng paraan ni Larkin ang pagkawala ng tatlo. Pinabulaanan din niya ang kumalat na nakidnap silang apat. Sinabi na lang niyang nagbakasyon ang tatlo. Ginamit din ni Larkin ang power ni Aelius bilang may-ari ng SAU. Oras na may kumalat pang chismis tungkol sa kanilang apat ay automatic na patatalsikin sa school.

Ipinagpatuloy pa din ni Larkin ang pagsali sa play dahil nakiusap ng sobra sa kanya si Sam. Pinagbigyan na niya ito dahil wala na nga yung tatlong main character ay pati ba naman siya ay mawawala pa.

Nairaos ang Acquaintance Party at hindi pa din nakakabalik ang tatlo.


Larkin POV

Isang linggo na ang nakakalipas after ang AP at hanggang ngayon ay hindi pa din nakakabalik ang tatlo. Hindi pa din kasi nagigising si Blaze. He is still in comatose. Pero sabi naman ng doctor ay normal ang lahat kay Blaze. Wala silang nakikitang complication sa case nito.

Consistent naman ang communication namin ni Amity. Ayos naman daw ang treatment niya at anytime soon ay pwede na siyang makabalik ng school.

Nag-uusap na kami ni Amity. Nagkaroon na din ng forgiveness between us. At masaya ako dahil kahit na mahabang panahon ang nawala sa amin, muling bumalik ang pagkakaibigan namin. Pero may mga araw pa din na tinatarayan niya ako. Hehehe.

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon