Athira POV
Flashback
"Ikaw muna ang bahala sa kanya.." wika ko sa isang matandang babae na inusap kong magbantay sa aking anak.
Tumango lamang sa akin ang matanda habang hawak hawak ang aking nag-iisang kayamanan.
I smiled gently as I caressed her face. Napakaamo niya habang natutulog. Maingat kong hinalikan ang kanyang noo.
'Mahal na mahal kita anak.. at gagawin ko ang lahat para sayo..'
Tatlong araw pa lamang akong nakakapanganak. Pero kailangan ko ng tapusin ang aking huling misyon. Upang makalaya na akong tuluyan kay Lord Hattori Sanzo.
Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na aalis ako sa buhay na kinagisnan ko, ang pagiging ninja assassin. Buong akala ko ako ang susunod sa mga yapak ni Lord Hattori pero ng una kong maramdamang kumilos ang aking anak sa aking sinapupunan, unti-unti akong nagkakaroon ng ibang dahilan para mabuhay. Lalo kong nakumpirma ito ng unang beses ko siyang masilayan.
Binigyan ako ng tip ni Lord Hattori. Makikita ko ang aking target sa isang bahay sa kagubatan. Dito nagtatago ang Crown Prince.
Maingat akong pumasok sa loob ng isang lumang bahay. Walang ingay na binubuksan ko ang mga pinto ng bawat kwarto. Nahalughog ko na ang buong bahay ngunit hindi ko pa din nakikita ang aking target.
Hanggang sa mapansin ko ang pagtakbo ng isang babaeng nakakimono palabas ng bahay. Mabilis ko itong sinundan. Binato ko ito ng shuriken at pinadaplisan lamang sa braso nito. Nagulat naman ang babae kaya nawalan ito ng balanse habang tumatakbo at natumba ito. Agad akong lumapit sa kanya.
Inilabas ko ang aking katana at inilapit sa leeg ng babaeng nakaupo at nakatalikod sa akin.
"Where is the Crown Prince?" walang emosyon kong wika.
Napansin kong nanginginig ang mga balikat ng babae dahil siguro sa takot. Muli kong inilapit ang talim ng katana sa kanyang leeg.
"Uwaaaaa!"
Natigilan ako ng makarinig ng iyak ng isang sanggol. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa harapan ng babae. Nakayuko ito habang yakap yakap ang isang puting tela. Pero hindi lamang iyon puting tela. Sigurado akong may sanggol na nakabalot sa telang iyon. Dito nagmumula ang naririnig kong pag-iyak.
"Please.." mahinang wika ng babae. Nanatili siyang nakayuko.
"Please spare his life.. please do not kill the prince.." Luhaang tumingin sa akin ang babae.
Hindi ako nakakilos sa aking narinig. Nagsimulang manginig ang aking mga kamay at dahan-dahan kong ibinababa ang katana.
Patuloy na nagmamakaawa sa akin ang babae at maging ang pag-iyak ng sanggol.
Hindi ko inisip na isang sanggol pala ang papatayin ko. Habang naririnig ko ang pag-iyak ng sanggol ay naalala ko ang pag-iyak ng aking anak ng isilang ko siya.
"He is innocent.. I beg you.. don't kill him.. this baby is such an innocent one.."
Tuluyan kong binitawan ang hawak na katana.
Imposibleng magawa kong pumatay ng isang sanggol. Imposibleng kitilin ang buhay ng walang kamalay-malay na sanggol. Sanay man ako sa pagkuha ng buhay ngunit lahat ng mga yun ay mga taong kailangang mamatay. Hindi katulad ng isang ito.
Naalala ko ang sinabi sa akin ni Lord Hattori.
"Are you willing to kill the Crown Prince?"
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...