A/N: Dinagdagan ko po yung ending ng chapter na ito, kaya sa mga nakabasa na, try nyo po ulit basahin heheheh. Enjoy~~~
~~~~~~~~~~~
Rain POV
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Aelius bago niya ako iwan dun. Bakit kelangang magdecide sya para saken? Bakit kelangan niya akong diktahan? Wala naman kaming ginawa ni Seo. Maghahanap lang naman kami ng matatambayan kanina pero bigla na lang syang sumulpot na galit.
Buti na lang hindi ko sila tuluyang iniwan dun kundi baka nagsapakan na ang dalawa. Napabuntong-hininga ako. Hindi tuloy ako makapagfocus sa sinasabi ni Miss.
"Okay ka lang ba, beshie?" tanong sa akin ni Amity ng lumabas na ang teacher namin. Tapos na ang huling klase.
Muli akong napabuntong-hininga. Siguro kailangang sabihin ko sa kanya, tutal lagi naman niya ako natutulungan pag hindi ko maintindihan si Aelius.
Magsasalita pa sana ako ng marinig ko ang boses niya sa may likuran ko.
"Tara na,"
Nilingon ko siya at ganun pa din ang itsura niya, seryoso pa din at halatang galit. Hindi ako nagsalita at tumayo na lang. Lumabas na kami ng room ganun din sila Larkin, Amity, Sav at Seb. Lahat sila nagpapalit-palit ang tingin sa aming dalawa.
Kahit naman kasi wala kaming sabihin, ramdam din nilang galit si Aelius. Alam nilang may problema.
"Kita na lang tayo after ng club activities," wika ko.
"No." muli ko siyang tiningnan. Matigas ang pagkakasabi niya nun.
"I'm going with you."
"Wag mo na akong ihatid. Maya na lang," tinanguan ko siya. Kung galit siya, ako naman naaasar. Tatalikuran ko na siya ng hawakan niya ang kamay ko.
Tiningnan niya pa ako ng matiim na parang sinasabi sa akin na wag akong gumawa ng bagay na lalong ikakagalit niya tapos saka siya tumingin kay Larkin.
"Pre, hindi ako aattend ng practice ngayon! Pakisabi na lang kay Coach," seryoso niyang wika sa kanyang bestfriend.
"Ha?" hindi naman agad naka-oo si Larkin.
Hindi na nagsalita si Aelius at hinila na ako paalis dun.
"Teka nga Aelius, bakit ka ba nagkakaganyan??" tanong ko sa kanya habang hila-hila pa din ako papunta sa PC.
Hindi siya sumagot.
"Kinakausap kita!" lumakas na ang boses ko pero hindi pa din niya ako pinapansin.
Hinablot ko sa kanya ang kamay ko at saka niya ako tiningnan.
"Ano bang problema mo ha??" naiinis na talaga ako sa inaasal niya.
Hindi naman nababago yung expression ng mukha niya.
"Kung ayaw mong sumabog ang galit ko ngayon, sumunod ka na lang saken." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi niya ako inuutusan kundi pinagbabantaan niya ako. Hindi ko alam pero hindi ko magawang sabayan ang galit niya ngayon. Pakiramdam ko, pagsisisihan ko kung hindi na lang ako makikinig sa kanya.
Nang hindi na ako nakapagsalita ay muli niyang hinawakan ang kamay ko at hinila dun. Napabuntong-hininga na lang ako sa ginagawa niya.
Lahat tuloy sa PC nagtatakang nakatingin sa kanya ngayon. Nakaupo sya dun kasama namin.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...