Aelius POV
Bumalik ako sa bahay ni Rain. Nagbabakasakali ulit na naroroon na siya pero wala pa din akong nadatnan. Asa loob lang ako ng sasakyan. Nakasandal at nakapikit lang dun.
Iniisip kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Bakit nga ba? May dahilan ba para umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam sa akin? Kung meron man syang importante gagawin, ni hindi man lang sya nag-abalang sabihin yun sa akin? Gaano ba yun kaimportante? Mas importante pa ba sa akin?
'May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan, Rain?'
'Ano yung nagawa ko? Bakit kelangang bigla ka na lang umalis? Babalik ka naman di ba? Katulad ng dati babalik ka.. katulad lang ng dati.. kasi hindi mo din kaya na malayo sa akin..'
Hindi ko alam kung ilang oras lang akong nakaupo dun. Hindi naman ako nakatulog. Nakapikit man ako pero gising ang diwa ko. Ang daming tanong na hindi ko naman masagot-sagot.
Nagring ang cellphone ko. Tiningnan ko lang ito pero wala akong balak sagutin. Si Larkin ang tumatawag sa akin. Kanina pa nga siya tumatawag e. Hinahayaan ko lang yun tumunog.
Tumunog naman ang message alert. Sinulyapan ko lang yun.
Tangina naman Blaze! Answer your damn phone!
Iyon ang nabasa kong text ni Larkin. Napabuntong-hininga ako dahil tumatawag na naman siya. Sinagot ko na ang tawag nya.
"Blaze, asan ka ba??" Iyon agad ang bungad niya sa akin at halata sa boses niya ang inis. Hindi ko siya sinagot.
"Kanina pa ako tawag ng tawag!"
Muli akong sumandal pero hindi pa din ako nagsalita.
"Where are you??" nauubos na ang pasensya niya.
"Larkin, okay lang ako.. hindi mo kailangang mag-alala," sa wakas ay nagsalita na ako.
Nagmura siya.
"Pwede ba Blaze? Kung asan ka man, umuwi ka na!"
"Hihintayin ko lang dito si Rain.."
Tumahimik siya. Narinig ko siyang bumuntong-hininga.
"Blaze, you need to go home.." naging mahinahon na ang boses niya.
"Pre, pasensya na pero hihintayin ko siya dito.." nanghihinang wika ko sa kanya.
"Naiintindihan kita sa nararamdaman mo ngayon pero kailangan mo na munang umuwi.. kahit sabihin mong wag akong mag-alala, pano naman yung ibang taong nakapaligid sayo?"
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.
"Pre.. sobra ng nag-aalala sayo si Axel.. kaya please umuwi ka na.. kanina ka pang hinahanap sa akin ng kapatid mo.."
Napapikit ako. Ni hindi ko na nakausap ng maayos si Axel simula ng inihatid ko siya kanina sa bahay. Ginabi na din ako dito kaya sigurado akong hinahanap na nga nya ako.
"Sige.. uuwi na ako.."
"Please, mag-ingat ka sa pagdadrive mo.."
Hindi ko na siya sinagot at inend ko na lang ang call. Chineck ko ang mga text messages sa akin. Tatlong text ang natanggap ko galing kay Axel.
Kuya, asan ka na?
Kuya, kumain ka na ba?
Parang mas lalong piniga ang puso ko sa panghuling text nya sa akin.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...