Chapter 16

437 31 4
                                    

Rain POV

"Okay guys, we're dismissed! Bukas na lang ulit!"

Sa wakas natapos din kami sa araw na ito. Agad kong inilagay sa loob ng bag ko ang script.

"Una na ako sa sasakyan," Mahina kong sabi kay Fontanilla. Tumango naman ito sa akin.

Tumayo na ako at mabilis na ding lumabas ng Drama Club. Baka kasi mapansin pa ako ni Velasquez, buti na lamang at kausap pa ito ni Fuentes.

Pagkalabas ko ng building ay tumingin ako sa paligid at madilim na. Ang tanging tao na lamang ay kaming galing sa Drama Club. Halos lahat sila ay papunta dun sa parking lot malapit sa gate entrance ng school. Iba naman ang way ko dahil sa parking lot ng Elem ako nagpark kanina. Medyo malayo pa yun dito. Hindi ko magagawang umuna kay Fontanilla. Mahirap na baka mamaya nyan may mangyari pa sa kanya papunta dun. Humanap na lamang ako ng lugar kung saan maaabangan ko siya at hindi ako mapapansin nino man.

Nakakita naman ako at sa pwesto ko ay kita ko ang mga taong lumalabas ng building. Nakita ko pa nga si Velasquez at luminga-linga siya sa paligid. Biglang nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakita ang pangalan nito sa screen. Muli kong ibinalik sa bulsa ko ang phone. Tumingin ulit ako kay Velasquez. Habang tinatawagan niya ako ay palinga-linga siya sa paligid. Hinahanap siguro niya ako. Tumigil naman sa pagvivibrate ang cellphone ko.

Inis na umalis si Velasquez doon. Siya namang labas nila Fontanilla at Lopez. Nag-usap pa silang dalawa pagkatapos ay tinalikuran na ni Fontanilla si Lopez. Naglakad na siya papunta sa gawi ko pero tinawag siya ni ulit ni Lopez. Lumapit ito dito.

Medyo malayo ako sa kanila kaya hindi ko mabasa sa labi ni Lopez ang sinasabi nito kay Fontanilla. Tumawa si Lopez pagkatapos ay umalis na nang tuluyan si Fontanilla. Nakatingin pa din si Lopez kay Fontanilla habang papalayo ito at pagkatapos ay bumuntong-hininga ito at tumalikod. Umalis na din ito sa lugar na iyon.

Nalagpasan na ako ni Fontanilla at maingat ko na lang siyang sinundan. Talagang napakaoblivious ng lalakeng ito sa paligid niya. Ni hindi man niya ako maramdaman habang nakasunod ako sa kanya. Dapat lang talaga na bantay sarado ko ang taong ito e. Para masigurado kong ligtas siya.

Hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya na hindi man lang ako napapansin. Tumigil siya at nagpalinga linga. Nagtataka siguro siya kung bakit wala ako dun.

"Oy," tawag-pansin ko sa kanya.

Nakita ko namang medyo napapitlag siya dahil bigla akong nagsalita sa may likuran niya. Gulat na nilingon niya ako.

"Ano ba!? Wag ka ngang biglang sumusulpot dyan!" Sigaw niya sa akin. Mukhang nagulat talaga siya sa ginawa ko. Haha. Nakakatawa yung itsura niya.

"Hindi naman ako biglang sumulpot dito. Kanina pa ako dito,"

"Anong kanina?? E hindi nga kita nakita! Sabi mo mauuna ka sa akin dito tapos ako pa ang nauna sayo! Where did you go??" Medyo nilayo ko ang aking sarili sa kanya. Lakas kasi ng boses.

"Hindi mo talaga ako makikita kasi andito ako sa likuran mo," Nginisian ko siya.

Nagsalubong naman ang kilay niya.

'Hala! Ayan na siya,..

"Hindi ako nagdiretso dito gaya ng paalam ko sayo kanina. Medyo malayo kasi ang lugar na ito dun sa Drama Club. Kaya inabangan na lang kita kanina na makalabas ng building. Sinundan na lang kita para mabantayan kita. Baka kasi mamaya nyan mapaano ka lalo na at gabi na, hindi pa natin nalalaman kung sino ang mga nagtangkang bumaril sayo,"

Nang marinig niya ang sinabi ko ay biglang nawala yung pagsasalubong ng kilay niya.

"Binantayan mo ako?" Hindi na din pasigaw ang boses niya para ngang may halo pang excitement ito na hindi ko mawari.

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon