A/N: Sana kahit masakit, makasama ko pa din kayo hanggang sa dulo..
~~~~~~~~~~~~
Normal POV
Dahan-dahang iminulat ni Sav ang kanyang mga mata. Muli siyang pumikit upang mawala ang kanyang pagkahilo. Nagpalipas lang sya ng ilang saglit at muli siyang nagmulat. Dun niya narealize na nakabaligtad siya. Tiningnan niya ang sarili at nakagapos ang buo niyang katawan habang nakasabit upside down.
"You are finally awake."
Dun niya napansin ang isang matandang lalake. Nakasuot ito ng isang traditional kimono. Nagdudulot sa kanya ng matinding kaba ang taong ito. Sobrang nakakaintimidate ang presensya nito.
"W-who are you!?" Sigaw niya dito. Pilit pinapatay ang kabang nagsisimulang sumibol sa kanyang puso.
"I'm the one who you are looking for."
Hindi siya nagsalita. At dun na siya binalot ng matinding takot. Ang kaharap niya ngayon ay ang taong hinahanap nila ni Seb. Hindi lamang sila kundi ng ibang secret agents na pinadala ng EUCIA (European Union Central Intelligence Agency). Ang taong ito ang siyang nagplanong patayin si Queen Elizabeth. Hindi lamang nagtagumpay ang plano nito dahil sa isang taong kasalukuyang kasama ng Reyna noon. Dahil din sa taong iyon kaya naman nalaman ng EUCIA na ito ang nasa likod ng pagassassinate sa mahal na Reyna.
"Hattori Sanzo.." Umigting ang mga panga ni Sav. Pilit siyang kumakawala mula sa kanyang pagkakagapos. Pero kahit anong gawin niya ay sobrang higpit ng pagkakagapos sa buo niyang katawan.
"Is it ironic? Instead of you finding me, it's me that have found you."
Nagtagis ang mga ngipin ni Sav. Hindi niya gusto ang sinabi nito.
"Kahit anong gawin mo sa akin, wala akong sasabihin sayo! Wala kang malalaman mula sa akin!"
"Wala naman akong kailangang malaman mula sayo dahil alam ko na.. alam ko na kung sino-sino ang mga kasamahan mo.."
Napalunok si Sav.
"As of today, iisang tao na lamang ang natitira sa special unit na pinadala ng EUCIA para hanapin ako.. at alam mo kung sino?"
Halos mabingi si Sav sa narinig.
'Iisang tao na lang ang natitira..?'
Lumapit si Hattori kay Sav at may inilabas siyang Tanto (a small katana). Sav's eyes wide open when she saw that he unsheathed his weapon. Napapikit siya ng maramdaman niya ang marahang paghiwa nito sa kanyang leeg.
"Ngayon.. hanggang kelan ka kaya tatagal? Sino kayang unang mamamatay sa inyong dalawa ng kapatid mo?"
Nagmulat ng mga mata si Sav at tumingin ng masama dito.
"Huwag mong sasaktan ang kapatid ko!!"
Muling kinalibutan si Sav ng ngumiti sa kanya si Hattori pagkatapos ay matiim na tumingin sa kanya.
"Anyone who turns against me dies."
Umurong ang dila ni Sav. Hindi na niya nagawang makapagsalita. Namumuo na din ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi man siya diniretso ni Hattori, alam nyang may ginawa na ito sa kanyang mga magulang at iba pang mga kasama. Kagaya ng sinabi nito iisang tao na lamang ang natira sa special unit nila. Si Sebastian na lamang ang natitira.
'Sebastian..'
Kumawala ang mga luha mula sa kanyang mga mata at hindi lamang mga luha ang pumapatak mula sa kanya kundi pati ang dugong nanggagaling sa hiwang iniwan sa kanya ni Hattori.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Genç KurguSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...