Chapter 24

479 36 6
                                    

Larkin POV

Nagresume na ulit kami sa pagpapractice pero napansin ko agad na wala pa si Amity. Hindi na lang ako nagtanong dahil wala naman sa akin kung wala siya. Mas maganda nga yun, walang nang-aaway sa akin.

After an hour..

"Haaaaayyyyy..." Nanghihinang umupo ako sa tabihan ni Rain.

"Sa wakas natapos din.."

"Lunchbreak lang Larkin, may practice pa tayo after lunch!" Wika ni Sam ng marinig niya ang sinabi ko.

Tinawanan ko lang naman siya.

"Ngapala Rain, nagpaalam si Amity na may emergency daw sa kanila kaya di na siya nakabalik,"

Tumango lang naman si Rain sa kanya.

'Kaya pala wala na yung babaeng yun. Sus! Emergency emergency! Baka tumakas lang yun..'

"Sige maglunch lang ako ha? See you later," at umalis na si Sam.

"Rain san ka maglalunch?"

"Sa canteen,"

"Sarado dun ngayon e, sa labas na lang tayo!" Ngumiti ako.

"Hindi na,"

"Ano ka ba? Samahan mo na ako pre! Wala kasi si Blaze e kaya wala akong makakasamang maglunch! Ang lungkot kayang kumain mag-isa,"

"Hindi naman."

Napapangiwi naman ako kay Rain. Napakaemotionless kasi ng mukha nito tapos hindi niya masakyan ang mga biro ko.

"Basta sumama ka na lang sa akin, akong bahala!" Tumayo ako at tiningnan ko si Rain.

Buti na lang at tumayo din siya. Buti din at hindi niya ako tatablahin.

Isinabay ko na si Rain sa kotse ko. Pumunta kami malapit sa mall.

"Kumakain ka ba ng japanese food?" Tanong ko habang nagpapark sa harap ng isang japanese restaurant.

"Oo,"

"Ayun! Sige dito na lang tayo,"

"Irishaimase~" Bati sa amin ng pumasok kami sa restaurant. Nginitian ko naman ang bumati sa amin.

"Table for two sir?"

"Yes please,"

"Okay sir! This way po," at iginiya niya kami sa magiging table namin.

Maganda sa restaurant na yun, para talagang sa Japan. May mga pwesto na kailangan mo talagang tanggalin ang sapatos mo dahil naka-tatami mat sa loob. Mababa din ang table dun kaya uupo ka mismo sa tatami mat pero may ilang maninipis na unan naman kung gusto mong malambot ang uupuan mo.

Binigyan kami nung babae ng menu nang makaupo kaming dalawa.

"Sir, ibuzz nyo lang po ito kapag may napili na po kayo!" Nakangiting wika nung babae.

"Sige sige! Salamat," at kinindatan ko siya. Napapahiyang ngumiti ulit siya sa akin at saka siya umalis.

Sinimulan kong tingnan ang menu.

"Parang gusto kong mag-ramen today ah.. ikaw pare?"

Nang mascan ko na lahat ang nasa menu ay tumingin ako kay Rain at natigilan ako. E kasi nakaupo siya ng pormal. Straight ang likod niya. Sumilip pa ako sa ilalim ng table at nakalapat ang tuhod niya sa sahig. Seiza ang tawag sa ganung upo ng mga Hapon.

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon