Aelius POV
Hindi na naman ako nakatulog ng maayos. Ginulo na naman kasi ni bubwit ang isipan ko. Magdamag na nagtalo ang isip at puso ko tungkol sa nararamdaman ko. Ayaw tanggapin ng isip ko na posibleng may gusto ako sa kanya. Pero ipinipilit naman ng puso ko ang nararamdaman ko para sa kanya.
Parang puputok na nga ang ulo ko kakaisip kaya naman sobrang sakit ng ulo ko ngayong umaga. At paniguradong nanlalalim na naman ang mga eyebags ko.
Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang naging usapan namin ni Larkin. Yung bawat tanong na binigay niya sa akin upang marealize ko na inlove ako. Paulit-ulit ko mang itanong sa sarili ko ang mga iyon, hindi naman nagbabago ang mga sagot ko. Puro pa din oo..
Hindi sana ako nahihirapan ng ganito kung babae lang sana si bubwit e.. kaso lalake siya! At hindi ko maatim na magkagusto sa kapwa ko lalake!! Buong magdamag ko ding sinigurado sa sarili ko na straight ako. Nakakahiya man pero tinry kong manuod ng mga pictures ng lalake sa internet. At wala naman akong naramdamang kakaiba. Normal lang.
Inisip ko ding manuod ng mga adult videos kaso habang iniisip ko pa lang ay nandidiri na ako. Hindi ko kaya. Tinry ko ding manuod ng mga pictures ng mga babae kaso wala pa din talaga akong maramdaman.
Sa totoo lang nung una akala ko sa sarili ko asexual ako. Simula kasing nagkaisip ako never akong naattract sa kung sino man, mapababae man o lalake. Kaya nga lagi akong inaasar ni Larkin pagdating sa lovelife ko dahil never pa talaga akong nagkagusto sa kahit kanino. Not until now..
Bumangon na ako at maaga pa. Masakit talaga ang ulo ko. Dumiretso ako sa banyo at hindi nga ako nagkamali pagkakita ko sa sarili ko sa may salamin. Nanlalalim nga ang mga eyebags ko. Naghilamos ako at nagtoothbrush na din.
Nakaramdam naman ako ng konting pagginhawa. Pero muling inokupa ni bubwit ang isipan ko. Napabuntong-hininga ako.
"Letseng bubwit ka! What did you do to me???" Naiinis na ako. Hindi ko kasi talaga matanggap na magkakagusto ako sa isang lalake e. Mas gugustuhin ko pang walang magustuhan kesa yung ganito.
Padabog na isinara ko ang pinto ng banyo at nagpasya na lamang na maglaro ng kung ano sa playstation. Baka sakaling makalimutan ko kahit papaano ang bubwit na yun.
Umupo ako sa sofa na nasa harapan ng tv. Binuksan ko yun pati na ang playstation. Tekken ang napili kong laruin. Kahit papaano ay nalilibang ako. Matagal din akong naglaro hanggang maramdaman ko ang pagkulo ng tyan ko.
'Last na 'to tapos kakain na ako..'
Pinili ko si Paul sa huling pagkakataon at nagsimula ulit akong maglaro. Habang naglalaro ay natigilan ako dahil bawat move na gawin ni Paul ay may naalala ako. Naalala ko yung unang beses akong iniligtas ni bubwit. Nung nilabanan niya yung mga lalakeng nakalaro ko nun sa Tekken sa may Game Center, yung mga hypebeast. Kaya naman pala pamilyar yung mga ginawa niya noon, mga moves pala ni Paul ang ginaya niya.
Hindi ko maiwasang humanga sa kanya. Ibang klase talaga siya. At nag-appear na naman sa akin ang mukha niya. Yung mukha niyang emotionless pero hindi ko alam kung bakit nagagandahan/nagagwapuhan ako sa kanya..?
Inis na napapikit ako at umiling iling.
"Erase! Erase! Erase! Umalis ka sa isipan ko!!" Sigaw ko. At gumana naman yung ginawa ko, nawala nga naman siya sa isipan ko.
Pumili na lang ako ng ibang lalaruin. Simula ngayon ay iiwasan ko na ang Tekken lalo't higit si Paul. Hinding hindi ko na siya lalaruin!!
Napatingin ako sa may pinto ng may kumatok doon. Bumuntong-hininga ako at tumayo. Naka-lock kasi ang kwarto ko.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...