Chapter 81

182 18 0
                                    

Amity POV

Second day ng Founday Day namin. One-week kasi namin itong sinecelebrate. Successful naman ang play namin. Madaming nanuod sa amin at maganda ang mga feedback na natanggap namin. Yun nga lang, ni hindi ko man lang nakita si Larkin. Ni hindi man lang siya nanuod. Sinabihan ko pa naman siya.

Hmph! Panigurado, nangchix lang yun kahapon! Ni hindi muna pinagpaliban, sinabi ko na sa kanyang isang beses lang magaganap ang play na yun kasi iba na yung play na gagawin ngayon ng Drama Club.

'Kapag nakita ko yun, sasapukin ko talaga yun!'

And speaking of! Natatanaw ko na sya ngayon. Naglalakad sa unahan ko. Mabilis ko itong nilapitan.

"Hoy!" bahagya ko siyang binatukan.

"Aray naman!" Gulat na sigaw niya.

Sinimangutan ko lang naman siya.

"Bakit ka nambabatok dyan ha amazona!?"

"E pano hindi ka nanuod ng play namin kahapon!" Hindi naman ako nagpapatalo sa kanya.

Bigla siyang natahimik ng sabihin ko tapos ngumiti siya.

"Hehehe, sorry nawala sa isip ko.. hehehe," kakamot-kamot pa siya sa ulo niya.

Hmph! Kainis naman!

"Sabihin mo nambabae ka lang kahapon!"

"Parang ganun na nga, hehehe.."

May kirot sa puso ko pero sanay na ako kaya hindi ko na lang pinansin.

Nagsimula na ulit kaming maglakad.

"Kakainis ka talaga kahit kelan!"

"Sorry na! Bawi na lang ako sayo ngayon,"

Tiningnan ko siya.

"Bawing paano?"

"Hmmnn.. e di idadate na lang kita ngayon!" nakangiting wika niya.

Halos masamid-samid naman ako sa sinabi niya.

"Ayos ka lang ba?" takang-tanong nya sa akin.

Pinilit kong magpakanormal pero sa totoo lang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sabihin ba naman kasi nya sa akin na idadate nya ako!!

"Wow! Talaga lang ha?? Nakakapagtaka naman, wala kang mapili sa mga babae mo??" Relax ka lang, Amity. Kaya mo yan..

"Wala e! Boring naman sila, lagi lang silang maglilingkis sa akin!"

"E di.. di si Sav..! Di ba gusto mo yun?" Lakas mo talagang magtanong no Amity kahit mismong ikaw ang masasaktan.

Bigla syang tumahimik. Tumigil siya sa paglalakad at ngumiti siya ng alanganin.

"Nafriendzone nya ako kahapon e.. hehehe,"

Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya. Nafriendzone siya ni Sav?? Hindi nga??

Para namang may pakpak ang puso ko ngayon at lumilipad sa saya. Gusto ko tuloy magcelebrate.

"Talaga?? Hahahaha!"

Sumimangot siya ng pagtawanan ko siya.

"Wag mo nga akong pagtawanan!" asik niya sa akin. Tumigil naman ako.

"Kaya ka siguro nakashades no? Umiyak ka buong gabi? Hahahaha,"

Natigilan na naman siya.

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon