A/N: Thank you sa sunod sunod na votes ni annikadale24 sobrang thank you~ Yey! (*^∀゚)ъ
~~~~~~~~~~~~~~~~
Normal POV
"Kuyaaaa!"
Pumasok si Axel sa kwarto ni Aelius. Lumapit siya sa kanyang kuya at ginising ito.
"Kuya, wake up!" niyugyog niya ang balikat nito.
"Hmmnn.." ungot niya.
"Wake up na kuya! Tanghali na pero natutulog ka pa din,"
Nagmulat ng mga mata si Aelius.
"Axel, bakit ba? Natutulog pa si kuya," wika nito pero hindi naman ito naiinis sa ginawang panggigising sa kanya ng kapatid.
"Gusto kong manuod ng concert kuya!" masayang wika naman ni Axel. Wala siyang pakielam kung inaantok pa ang kuya niya.
Tuluyan ng bumangon si Aelius. Kinusot nito ang kanyang mga mata.
"Concert?"
Tumango-tango si Axel habang nakangiti.
"May concert na gaganapin ang favorite band ko kuya! Yung Blitkrieg!"
"Kelan ba yan?"
"Mamayang 5pm kuya!"
Napatingin naman si Aelius sa kapatid. Ngiting-ngiti ito sa kanya.
"Para naman kuya lumalabas ka sa room mo, lagi ka na lang kasing nagkukulong dito e! Tapos isama natin si Kuya Larkin!"
Hindi naman nakapagsalita si Aelius.
"Para maging masaya na ulit kayong dalawa! Pakiramdam ko kasi ang lungkot lungkot nyo,"
Hindi naman inaasahan ni Aelius na sasabihin iyon ni Axel.
"Malungkot ba kami?"
Marahang tumango si Axel. Nawala din ang ngiti niya.
"Opo.." Mahinang wika nito.
Ginulo ni Aelius ang buhok ni Axel.
"Sige na, sasamahan na kita sa concert tapos iinvite din natin si Larkin.."
Muling ngumiti si Axel.
"Yehey! For sure kuya, mageenjoy kayo dun!"
"Oo na! Oo na! Pumayag na nga ako di ba?" nakangiting wika naman ni Aelius.
Tumayo si Axel.
"Kuya, wag ka ng malungkot ha? Babalik si Ate Rain!"
Bahagyang ngumiti si Aelius sa kapatid at tumango. Lumabas na si Axel sa kwarto niya. Nang mag-isa na lamang siya ay nawala ang ngiti niya.
Three days ng hindi nagpaparamdam si Rain sa kanya. Pagkatapos ng araw na ito, sisimulan na nyang hanapin ang nobya. Pero bago niya yung gawin, sasamahan niya muna si Axel sa gusto nito.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at idinial ang number ni Larkin.
"Hello.." Halata sa boses nitong kagigising lang din nito.
"Pre, nag-aaya si Axel na manood ng concert, tara!"
"Pass ako pre,"
Wala sa mood si Larkin. Malinaw pa din dito ang naging usapan nila kagabi ni Aelius.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...