A/N: Dito na talaga marireveal ang tungkol kay Koseki! Ang daming judgemental! Hahahaha. Enjoy reading~ (*'▽'*)
~~~~~~~~~~
Aelius POV
Niyakap ko si Axel ng makita ko siya.
"Ayos ka lang ba Axel?"
"Opo kuya! May problema po ba?"
Ngumiti ako sa kanya at hinawakan siya sa kanyang ulo.
"Wala naman! Tara, umuwi na tayo!"
Agad kaming umalis sa lugar na iyon. Nasa paligid naman naming lahat ang mga bodyguards namin. Inuwi ko din agad si Axel sa bahay. Mas magiging ligtas siya dito.
Pinadagdagan ko din lahat ng bodyguards sa bahay. Bawat sulok ng bahay namin, may nagbabantay. Hindi ako papayag na makukuha ng Koseki na yun ang kapatid ko.
Ngayong alam kong ligtas na si Axel, kailangan ko ng hanapin si Rain.
Lumapit sa akin ang isa kong bodyguard.
"Sir, hindi po nakita nila Romero si Sir Larkin!" Pagbabalita niya sa akin.
'Sh*t! Paniguradong hawak na din siya ni Koseki..'
"Papuntahin mo na lamang sila dito!"
"Sige po!"
Umalis na siya sa harapan ko.
"Kuya!!" Nilingon ko si Axel.
"Saan po kayo pupunta?"
"Ahh.. may aasikasuhin lang ako," Nginitian ko siya. Ayokong malaman niyang may nangyayaring hindi maganda.
"Okay po! Ay kuya, may dumating pala kanina na delivery para sayo!"
Ibinigay sa akin ni Axel ang isang magazine. Si Amity ang nasa cover.
"Sorry Kuya, binuksan ko na!"
Muli ko siyang nginitian at hinawakan ang ulo niya. Ginulo ko ang kanyang buhok.
"Ayos lang,"
"Hindi mo titingnan kuya? Magaganda ang mga pictures ni Ate Amity dyan tsaka andyan din yung pictures nyo ng umakyat kayo sa bundok!"
"Mamaya na lang Axel! May pupuntahan lang ako ha? Wag kang lalabas ng bahay okay?"
"Opo Kuya Aelius! Babye po!" Kinawayan pa niya ako habang nakangiti sa akin.
Tuluyan na akong lumapit sa sasakyan at sumakay doon. Ipinatong ko sa tabi ko yung magazine na binigay sa akin ni Axel.
"Sir, saan po tayo?"
Hindi ko din alam kung saan kami pupunta. Wala akong ideya kung saan ko pwedeng mahanap si Rain. Wala akong ideya kung nasaan si Koseki.
"Just drive."
Ilang beses ko pa ding tinawagan si Rain pero unattended pa din ang phone nito. Ganun din sila Larkin at Amity. Hindi ko naman magawang tawagan si Medina dahil wala akong number nito.
Inis akong bumuntong-hininga.
"Sa Midnight tayo pumunta!"
"Yes Sir!"
Si Domingo ang nagsabi kay Rain kung sino si Koseki.
"Sabi ni Domingo, malapit lang daw sa akin si Koseki.. at malalaman ko na siya si Koseki dahil siya lang naman daw ang may gustong maghiwalay tayong dalawa,"
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...