Rain POV
It has been 3 days since mangyari kay Lopez ang insidenteng yun. Nanatiling siyang nakaconfine pero maayos na naman ang lagay niya. Yun nga lang hanggang ngayon ay hindi pa siya nagkakamalay. Sabi ng doctor ay wala naman silang nakitang anomang problema sa ulo ni Lopez kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ito nagigising. Sa tingin nito ay dahil ito sa trauma. Sa palagay ko naman ay ito din ang dahilan lalo pa at ang sabi ni Aelius ay first time na mabugbog ang kaibigan niya.
Sa loob ng tatlong araw na iyon ay hindi ko nakita si Velasquez. Tatlong araw na itong hindi pumapasok.
Hindi naman kumalat sa school ang mga nangyari sa pagitan namin ni Aelius at sa grupo ni Clemente. Wala akong narinig na usapan tungkol dito. Siguro dahil ang involve ay si Aelius. Pero inalam ko kung anong nangyari sa apat, lahat sila ay dinala sa ospital. Hindi katulad ni Lopez, nakalabas naman na ang mga ito. Kaya naman mas naging mapagmatyag ako sa paligid, hindi ko alam kung kelan nila kami babalikan. Sigurado ako na hindi sila papayag sa mga nangyari.
Kaso mo sa loob ng tatlong araw na iyon, nagbago si Aelius. Naging tahimik ito at hindi man lang niya ako kinakausap. Parang hindi nga ako nag-eexist sa kanya. Ni hindi ko na din siya nagagawang ipagdrive. Mag-isa siyang umaalis at umuuwi sa bahay galing school. Hindi ko alam anong trip niya pero hindi ko naman siya pinabayaan. Buti na lamang at pinahiram sa akin ni Eli ang motor niya. Lagi akong nakabuntot kay Aelius papunta sa school at pauwi sa kanila.
Hindi na din kami umaattend ng praktis kaya hindi ko alam kung matutuloy pa ang play namin lalo pa at konting araw na lang at Acquaintance na.
Nanatili akong nakamasid ngayon kay Aelius habang nakaupo ito sa may bleachers. Oras kasi namin ngayon ng PE. Kasalukuyang naglalaro ng basketball ang mga boys habang ang mga girls naman ay volleyball.
Nakaupo lang din ako sa bleachers na medyo mataas mula sa kanya. Binabantayan ang bawat kilos niya at ang buong paligid. Wala namang kakaiba sa paligid namin. Simula ng bugbugin namin ang grupo ni Clemente ay mas naging alerto ako. Malakas ang kutob ko na may gagawin si Cyrus Domingo. Lalo pa at feeling ko parang out of focus si Aelius ngayon.
Tatlong araw na niya akong hindi kinakausap at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang apektado ako. Parang hindi ako sanay na hindi niya kausapin o pansinin. Ang saya pa naman namin nung nakaraan tapos biglang ganito.
'Hindi naman sa nagrereklamo ako pero..'
Napabuntong-hininga ako.
'Bakit parang pakiramdam ko muling nagkaroon ng pader sa pagitan namin..'
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Sakto namang paglapit ko ay may mabilis na bolang tatama sa kanya. Bago pa siya matamaan ay humarang ako at sa likod ko tumama ang bola.
"Sorry Rain!" Mabilis na lumapit sa amin ang isa sa mga kaklase naming babae.
Hindi ko siya pinansin at nanatili akong nakatingin kay Aelius.
Tumayo si Aelius at hindi man lang niya ako tinitingnan. Umalis siya sa harapan ko na para bang walang nangyari. Sinundan ko lang siya ng tingin. Gustuhin ko man siyang sundan kaso magtataka lang ang mga kaklase naming naroroon.
"Rain, sorry talaga.." Hindi pa din pala umaalis yung lumapit sa amin kanina.
Tiningnan ko siya.
"Ayos lang." Matipid kong sagot sa kanya.
Ngumiti siya ng alanganin.
"Pero thank you kasi humarang ka kay Fontanilla.. kung nagkataon na siya yung tinamaan.." Lumunok siya.
BINABASA MO ANG
TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]
Teen FictionSi Rain Sanchez ay may misyon na kailangan niyang tapusin upang makuha ang kanyang kalayaan. Magagawa pa ba niya ito kung sa gitna ng kanyang misyon ay makikilala niya ang taong magbibigay kahulugan ng kanyang buhay? Ano ang kanyang pipiliin? Ang ma...