Chapter 88

189 22 2
                                    

Rain POV

Itinulak ko agad si Seo bago pa nya magawa ang bagay na pagsisisihan ko habang buhay. Umatras ako palayo sa kanya. Umiling ako.

"Imposible ang sinasabi mo.."

Seryoso niya akong tiningnan.

"Rain, gusto kita! At kaya kong higitan pa ang pagmamahal sayo ni Aelius!"

Muli akong umiling. Nagpapatawa ba siya?

Ngumiti ako sa kanya at muling umiling. Hindi na ako nagsalita at nagpasya na lang syang iwan.

Hinawakan niya ako sa braso.

"Wala ka ng maabutan dun, Rain! Hindi siya para sayo! Andito ako.. kaya kong tanggapin kung ano man ang tungkol sayo.. siya ba?? sa palagay mo ba matatanggap ka niya oras na malaman nya na hindi lahat ng pinapakita mo sa kanya ay totoo??"

Tiningnan ko siya.

Unti-unting tumitila ang ulan.

"Nakita ko ang ginawa mo sa club Rain.. nakita ko kung pano mo kunin ang atensyon ni Nico ng gabing yun.. nakita ko na dinala ka niya sa kwarto.. sa tingin mo kung malaman yun ni Aelius, matatanggap ka niya?" He smirked at me. He looked at me from head to toe.

"Hindi ka nya matatanggap Rain! At kahit sino hindi matatanggap ang klase ng babaeng kagaya mo.. pero eto ako.. handa kitang mahalin.. kaya kitang tanggapin kahit madami ng lalake ang dumaan sa buhay mo!"

Lalong sumasakit ang ulo ko sa sinasabi ni Seo. Iniisip ba talaga niya akong mababang klase ng babae? Dahil lang sa nakita nya?

Humarap ako sa kanya at tiningnan siya ng diretso.

"Hindi mo nalalaman ang sinasabi mo.."

Tumawa siya ng puno ng sarkasmo.

"Really Rain?? Kahit sinong makakakita nun, alam na alam kung anong ginawa nyo sa kwarto! Kung makikita mo lang ang sarili mo nun, sobrang galing mong mang-akit! Kahit ako nga e, naakit mo! Akalain mong sa likod ng mukha mong yan, may natatago ka palang ibang pagkatao!"

"At sino yung mga nakalaban mo kanina?? Grabe Rain.. sobrang nakakabilib ka na talaga! Iba-ibang pagkatao ang meron ka? Hindi na ako magtataka kung bakit napapahamak ang mga tao sa paligid mo! Dahil ikaw mismo isang kapahamakan! Kayang kaya mong pumatay ng tao.."

Nawala ang pagngisi niya. Lumapit siya sa akin. Tiningnan niya ako ng mga mata niyang punong-puno ng panghuhusga.

"Sa tingin mo isang kagaya mo ba ang nababagay sa isang Aelius Blaze Fontanilla??"

"At sa tingin mo isang kagaya mo ang nababagay sa akin?" malamig na tanong ko sa kanya.

"Walang tatanggap sa isang tulad mo kundi ako lang!" seryoso niyang wika.

Nilabanan ko ang mga titig niya. Tiningnan ko ang kanyang mga mata. Nakita ko kung ilang beses itong kumurap. Walang kabuhay-buhay na mga mata ang nakikita niya sa akin ngayon. Umatras siya.

"Hindi mo alam kung anong mga pinagdaanan ko kaya wag kang magsalita na akala mo alam mo ang lahat ng tungkol sa akin.."

Tumila na ng tuluyan ang ulan.

"Kahit ano pang sabihin mo, wala akong pakielam.. Dahil mas kilala ko si Aelius.. Kahit kelan hindi mo mahihigitan ang pagmamahal niya sa akin dahil kahit hindi pa niya alam kung sino ba talaga ako.. minahal na niya ako at patuloy nya akong minamahal.. pinagkakatiwalaan niya ako at alam kong tatanggapin niya ako kahit malaman pa niya kung sino ba talaga ang totoong Rain Sanchez.."

TO LOVE OR TO KILL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon