PROLOGUE

494 72 7
                                    

Sabi nila walang forever.

Kaya nga kung minsan, takot na akong umibig dahil alam kong sa dulo, masasaktan at masasaktan ako.

Wala naman daw talagang forever. Sa Diyos lang talaga makakatanaw na tunay na forever. Pero kahit ba hindi na magkasama, hindi na kaagad forever iyon. Papaano naman yung nararamdaman na pagmamahal sa isa't-isa na hindi nagbago mawala man ang isa sa kanila, puwede pa din namang tawaging forever iyon diba?

Alam kong hindi sa pisikal na pagsasama, pero sa mismong nararamdaman sa isa't-isa nasusukat kung hanggang saan at hanggang kailan niya ito puwedeng panghawakan.

But still, nakadepende pa rin sa tao kung maniniwala sila dito.

Kahit na patay at malayo na sila sa iyong piling basta't ang nararamdaman mo sa kanya ay hindi nagbago, hindi malabong FOREVER pa rin iyon dahil hindi mo siya pinagpalit sa iba.

Ito ang istorya ko, isang babae na winalang-bahala ang pag-ibig dahil sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi saktan ang damdamin ko.

But isang araw, isa sa mga guy na iyon ang aking magiging FOREVER, sino kaya yon?

Isa ba itong manggagamit, mambabagsak o mangloloko?

Mahahanap ko kaya siya?

------------------xx

Like the prologue? Kung hindi, okay lang naman po. Hehe!!

Binigyan ko na po kayo ng clue.

Opo, mema ko lang to, hehe. Sana may bumasa kahit isa. At sana din po may mga sumuporta. (Kahit na alam ko namang hindi)

Here's my story.

#FIITPrologue

KUNG BITTER PO, HUWAG PO SANA KAYONG MASUKA SA MGA SWEET NA PARTS. (AYIEEE! NAGKAROON LANG NG READS EH NAG-EDIT NA.) SANA MAGUSTUHAN NIYO PO YUNG STORY KO.

Genre: Romance | Drama | Love

Date Started: October 8, 2018

Date Finished: June 3, 2019

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now