ANDY POV
Later? Oo, dahil alam ko namang sapat na ang 1 buwan ng pagkakakilanlan namin. Muli siyang nagsalita pagkatapos kong sabihin ang mga huli kong sinambit sa kanya.
"Ah, ok, sa mall na lang tayo. Gusto kong magpalamig. Ang hot, hot ko na kasi eh!" naimpress ako sa sinabi niya. Hot? Well, hot naman talaga siya.
"Hot? Yun talaga ang term. I mean, tara na. Para makapagpalamig ka na rin."
Sumakay kami ng air conditioned bus papunta. Ayaw kasi nitong laging naiinitan. Dapat, feeling cool lang always.
"We're here. May I have the pleasure?" OA ko siyang inakbayan na para ba kaming nasa palasyo. Gusto kong ipadama sa kanya ang mga ginagawa ko, kasama na ang pagmamahal ko sa kanya. Medyo nairita naman siya kaya inalis niya din yung kamay ko.
"Ah, Andy. Puwede bang bumitaw ka na. Sabi ko naman sayo, ayaw kong makaramdam ng hotness. Gusto ko cool lang." Pagkasabi niya non, inalis ko kaagad ang kamay ko. Sungit naman. Ano ba next step ko?
"I'm sorry for that. Then, ano bang gusto mong gawin natin?" nagmumukha akong GM sa mga sinasabi ko. Pero di ko nahahalata sa mga mukha niya. Matalino siya at alam kong open minded siya pagdating sa mga ganyan.
"Kumain na lang tayo. Nanghihilab na yung tiyan ko eh! Alam kong ikaw rin." hindi na ko nakatanggi. Isa pa, libre ko siya. Adobo connection ang kinainan namin. Medyo hindi kilalang restaurant pero masarap ang mga pagkain.
"Ano bang gusto mo?"
"Since adobo naman to, edi let be it. Tsaka dalawa lang naman tayong chichibug nito. Hehehe." medyo napangiti ako sa sinabi niya. Minsan lang siyang maging pranka pero okay naman. Kahit papaano'y napapatawa niya ko. Umorder na ko sa counter.
"Um, isa pong order ng Set B, for couples." pinaringgan ko na siya sa mga sinasabi ko. Sana naman magkaroon na siya ng clue, sayang naman yung KATALINUHAN niya.
"Okay sir, here's your number, just wait until it cook
already." sabi ng counter samin. Umupo na kami sa pang couple na table lamang."So, Alaisa, you look beautiful today. Kahit na busy ka, I can still see your freshness."
"Isa sa mga alam ko sa mga lalake, masyadong mabola. Hindi ako tanga, Andy. Sinasabi mo lang yan para lang makalusot sa'kin. Kaya huwag mo kong ganyan-ganyanin." nagsungit nanaman siya.
"Magcr muna ako ah. Kapag nandyan na yung pagkain, puwede ka na man na mauna. Di mo na ako kailangang hintayin."
"Masusunod, kamahalan."
Nagiging masyado na kong corny at OA. Ano nga bang gagawin niya sa CR? Malamang, iihi. Magpapafresh para sa'kin. Pabigla-bigla kasi eh.
ALAISA POV
GOD! Muntik na ko doon. Buti natapalan ko ng pagiging seryoso ang aking pagkakilig.
Hindi pa ako handa sa mga ganto. Nahalata ko na siya kanina. Nawala ang pag-aalala ko sa kaibigan ko. Hindi ko nga namalayan na dito kami pumunta kahit na ako ang nagsabi sa kanya.
Lumabas na ko sa Cr, wala pa rin ang pagkain. Tinuloy namin ang pag-uusap.
"So, Miss Alaisa Robles. Sabi mo ayaw mo nang mga bola, I go straight to the point."
"So tell mw what is it, Mr. Andy Palaruan." Pasusyal kong tanong sa kanya para di mahalatang kinikilig ako. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na naging dahilan naman ng pagkagulat ko.
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
Storie d'amoreA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...