ALAISA POV
DIYOS KO PONG practice na ito, napagka-init-init. Kaya naman nang matapos ang practice, dumiretso kaagad kaming lima sa canteen.
"Ate, isang kwek kwek po!" Sabi ko sa nagtitinda. Nang makuha ko na ang kwek kwek, naglagay ako ng suka sa lalagyanan at umupo kasama ang mga kaibigan ko.
"What a heat! Ang hot hot ko na tuloy mga bes!" Inirapan lang namin si Myrna at kinain ang mga pagkain namin. "Oh? Wala man lang mga reacts?" Nagsingisian kaming lahat sa kanya. Sinasadya talaga nami gawin ang mga bagay na iyon sa kanya. "Ano bang nangyayari sa inyo? Nagkakasundo-sundo kayo sa mga gawain ah! Ano 'yan? Bagong trip?" Matapos niya namang sabihin iyon ay pinalo namin siya sa balikat.
"Tumigil ka na! Huwag mo nang dagdagan pa ang init sa hangin. Alam mo namang 'yang mga talak mo, mas lalong dumadagdag sa mainit na hangin. Sige isipin mo, dapat kasi nag-aral ka sa Math." Minali ko talaga ang sinabi ko para magkanda-sabog-sabog na siya sa kaiisip.
"Hoy Ysa, kala mo ba hindi ko alam 'yang trip na 'yan. FYI, updated ako sa mga trends sa social media. At isa na diyan yung mga ganyan." Infairness, halos lahat na yata alam niya. Ang ipinagtataka ko lang, yung tinawag niya sa akin.
"Myrna! Ysa? Where did you get that?" Ani Jushia.
"Oo nga Myrna, Ysa?" Tanong naman ni Janna.
"A guy just told me. Mas cute daw kasi kung iyon na ang itatawag namin sa kanya at alam ko rin na alam niya na sinabi niya rin ito sa kanya." Himala! Nawala lang ng saglit si Andy, kay Nikko naman humagilap ng mga impormasyon.
"Okay fine! Si Nikko ang nagsabi non. Noong ginamot ko siya, pauwi na siya non, tinawag niya na lang akong Ysa. Siyempre, kinilig ako!" Tapos hinampas ni Jushia ang kamay ko na nasa mesa.
"Huy ah? Iba na talaga 'yan Ysa. Oo nga noh, ang cute but anyway, sana talaga matuloy na 'yang forever story niyo ni Nikko. At, kami naman, tamang support lang sa'yo. Diba, kafourevs?" Ani Jushia sa nakakapanghikayat na tono.
"Sana nga mga kafourevs, matuloy ang inaasahan kong forever story sa kanya kahit na alam kong wala namang forever but then, kaya pa ding patunayan iyon ng nararamdaman ko sa kanya." Sabi ko sabay kain ng kwek kwek.
"Kahit wala na siya, di pa din mawawala?" Tanong ni Myrna.
"Ayokong magsalita ng tapos. Titingnan ko sa sarili ko kung ganoon nga at puwede ba, huwag mo naman kaagad na ipanalangin yung kamatayan ni Nikko. Dami pa naming pagsasamáhan noh! Di pa nga nagsisimula eh!" Sambit ko sabay taas-kilay sa kanya.
"Eh kung gayon nga, again and again and again, good luck sa on-going relationship niyo. Wish you all the best!" Myrna said in a delightful tone.
"Wow naman! For the third time, sumeryoso siya. Sana ganyan ka na lang palagi. Hanggang sa di ko na mabilang kung ilang beses ka nang naging seryoso."
"Me is me Ysa, ganoon talaga ako eh! Siguro nga non'g first meet-up natin, medyo may pagka-ilang lang ako ng kaunti pero nang nakilala ko pa 'yang dalawa, doon ko na naipakita yung tunay na ako." Ani Myrna ulit sa seryosong tono.
"Pero ang mahalaga ngayon, ay yung makakapagtapos na tayo ng senior high! College students na din tayo next year. At alam naman natin na obligasyon muna natin ang pag-aaral bago ang pag-ibig. Diba Ysa? Baka masaktan nanaman sa mga pinaggagagawa. Kaya next week, mahahakbangan na natin ang isa nanamang hagdan para sa susunod. Kaya guys, congratulations sa ating lahat. Ysa, high honors ka nanaman, magaling talaga. Ako, muntikan na pero at least, ang mahalaga ay ang makapagtapos. At kayo namang dalawa, you did a job well done. Lahat naman tayo actually, kaya sana sa college, wala pa ding kalimutan ah?" Ani Janna. Ang iba sa ami'y napaiyak tulad ni Myrna kasama ako at nakangiti namang nakinig si Jushia sa sinabi ni Janna.
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...
