Chapter 22: The Hidden Cat

272 68 0
                                        

(A/N: Please play Maling Pag-Ibig by Marion Aunor while reading this chapter. There is really a relevance between this song to their bitter love story. Thank you. Lovelots.)

JANNA POV

MAGPAPALUSOT na lang ako para di malaman ang nakabaon kong sikreto. Ano ba itong ginagawa ko? Bakit ba takot na takot ako?

"Naalala ko lang yung napanood natin dati, parang ganon na ganon din kasi yung nangyari." May pagtataka pa rin akong nakikita sa kanya. Tila ba'y di siya naniniwala sakin kasi ang mga pananalita ko'y para bang natatakot.


"Sure? Baka naman hah? By the way, bakit pa nga ba ako magtataka pero actually, maganda talaga yung palabas. Halong comedy kasi nga diba, comedian din si Paolo Contis." Mabuti na lang at isinantabi niya muna ang pagtataka.

"Share mo lang?" Sabi ko para naman makalusot pa ko.

"Actually, doon na nga ako papunta. Erase erase muna yan, itong dalawang boys, ang tahimik. Subukan niyo rin po kayang ibuga ang mga gusto nitong iexpress. Babe, san mo gustong pumunta next?" Hindi pa rin maalis sa akin ang kaba. Nahahalata na niya talaga. Kahit ano pang gawin kong pagpapanggap, lalabas at lalabas din iyon.

"Let's play games in Quantum." Naging delight ang mga pagmumukha namin, naalala ko rin iyan, dahil doon namin unang nakilala si Clyde.

Habang naglalaro ng basketball, ang dami nanamang nagfaflashback sa utak ko. Hinding-hindi iyon makakalimutan.

FLASHBACK

FRIDAY afternoon. After class, niyaya kaagad ako ni Alaisa na lumabas dahil anniversary ng aming pagkakaibigan.

Nagpunta kami ng SM Rosario for our bonding. So saya. 5th Day pa lang namin ng Grade 7 pero palagala na agad kami. Ewan ko ba dito kay Alaisa kung anong naisipan.

Kumain kami sa Bon Chon, crispy ang mga chickens nila kaya masarap. At dahil sa gutom na gutom kami, naubos namin ang para sa 5 tao.

"Grabe bes, nabusog ako don ah. Lumobo tiyan ko, I'm pregnant. Hihihi." Ang pabiro niyang sambit sa akin. Pinalo ko siya sa balikat, ang lakas ba naman ng pagkakasabi.

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now