ALAISA POV
AS I SAY, ngayon ang pop quiz namin sa agricultural science. Patong-patong na review habang nasa biyahe ako. Mga ilan din ang sexual plants reproduction examples.
Ang mga scientific names, nakakapagsakit-ulo lang. Habang nasa kalagitnaan naman ako ng pagbabasa, bigla kong naalala ang sketch pad ko na may mga guhit-kamay ko na mga ilustrasyon ng mga halaman.
Tiningnan ko kaagad ang bag ko at laking-gulat at inis ko na lang na wala ito sa kinalalagyan nito.
"Hala, nasaan na yon?" Bulong ko na paworry, di puwedeng di ko madala iyon, hanggang ngayon na lang ang pasahan non. Saang kamay naman ng ibang tao puwede kong ipakuha iyon, malapit na rin ako sa destinasyon ko, mahuhuli na din ako.
Ano na bang nangyayari sa akin? Stressful akong pumasok ng school. Bago pa man ako makapasok ng gate, sinalubong ako ni Zach na masaya.
"Good morning luv." Niyakap naman niya ako ng sinalubong niya ako. Niyakap ko rin siya pabalik at nagbitaw na rin kami.
"So, tena??"
"Tena??" Ang dami nanamang pinapausong words neto. Di ko naman alam meaning.
"Tena, di ba kayo nag-aral ng antas ng wika, isa po iyong kolokyal na salita, ibig sabihin "Tara Na." Nadown ako bigla doon ah. Bakit di ko naalala yun. Nahihiya tuloy ako sa kanya at sa sarili ko, matalino pa man din ako, eng-eng naman pagdating sa mga ganyan.
"Ganun ba, pasensiya na, napuyat kasi ako kagabi. Alam mo na, nag-aral pa ako." Pagpapalusot ko na lang para may mabato lang. Pero ang totoo, di na talaga ako nag-aral kagabi, binisita na kasi ko ng antok at sumapi ito sa akin.
"Ganon ba, pasok na tayo. Baka mapagalitan pa tayo ni Ms. Tapawan." Pumasok na kami ng gate at nagtungo na ng classroom.
Nadatnan ko naman si Janna na nakaupo at seryosong-seryoso na nag-aaral. For sure, sa agricultural science iyan habang ang mga kaklase naman namin, panay kantahan habang may isang nagtutugtog ng gitara, may mga babaeng nagpapaganda, naglalabasan ang mga sari-sariling liptint, para sa KALANDIAN.
Whatever, iniwas ko na lang ang mga tingin ko sa kanila.
"Luv, sige na upo na ko, makikisalo ako kay Janna. Magrereview na din."
"Okay." At tumango siya't bineso ako. Umupo na din siya sa kanyang upuan, kasama ang mga tropa niyang di naman ganoon katino kung ikukumpara sa kaniya.
"Seryoso naman ng kaibigan ko, sipag-sipag. Good morning." Tapos bineso ko siya.
"Uy, nandito ka na pala. Kala ko late ka." Kala ko nga rin, mahuhuli ako.
"Pero buti na lang hindi." Napatahimik ako sandali dahil sa binabasa niyang parang hindi naman namin isasama sa quiz.
"Teka lang Janna. Ano ba yang binabasa mo? Akala ko ba mga scientific names lang ng sexual, bakit pati asexual, sinama mo na?"
"Dahil kasama naman talaga 'to. Di mo ba narinig, dalawang plants reproduction scientific names ang sasauladuhin. Nilagay ko pa nga yan sa note eh, teka lang kukunin ko lang." Ano bang mayroon sa araw na ito? Bakit ba ako nagkakaganito? Nung nilabas niya na ang note niya, she was right, dalawa nga e isa lang ang nareview ko.
"Ano bang lebel ng kamalasan ang meron ako ngayon, by the way, pahiram na nga lang ako ng libro mo, magrereview na din ako baka sakaling may time pa."
"Sige ito." Ibinigay naman sa akin ito. Kaya nga gusto ko siyang kaibigan e, kahit na isa siya sa mga nangangailangan, nagbibigay pa rin siya ng kung ano sa isa pang mas nangangailangan sa kanya. Diba, down nanaman ako.

YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomansaA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...