Chapter 35: Lies No More

212 64 0
                                    

JANNA POV

AKO'Y nauna na kina Alaisa dahil alam ko namang lumabas ang mga iyon. But then, Alaisa didn't know that I will be here in her house tonight. I just miss our hangouts together. Kahit nga nag sembreak kami, wala kaming bondings kasi mas pinagtuonan niya ng pansin ang sa kanila ni Zach.

But it's okay, it's her life naman so I just let her do what makes her happy. Parang nagparaya naman ako. Ngayon, nasa tapat na ako ng bahay nila at inilabas ko na ang kinakalawang na another version na magpapabukas sa kanyang pintuan ng langit, Joke. Inilabas ko na ang kinakalawang na susi dahil matagal ko na rin itong hindi ginamit. Di ko nga alam kung gagana pa ito.

Success naman ako, nabuksan ko ito. Kahit naman pumasok ako, di mapagkakamalang magnanakaw ako, sa gandang kong 'to. Kahit morena ako, wala me pake dahil masaya ako kung sino ako.

Ano ba itong pinag-iisip ko? Pintuan ng langit, kinakalawang, kagandahan ko. Nawala tuloy sa isip ko na nagpeprepare na ako ng pagkain para sa aming dalawa. Para sa hapunan, niluto ko ang second favorite niya na first favorite ko naman. Di ko nga alam kung bakit pa namin naging paborito ang pagkaing iyon, di naman kami kulot, hindi bako-bako ang mga pagmumukha namin at lalong-lalong hindi kami bitter, bitter pero kaunti lang. Nilabas ko na nga ang ampalaya at mga iba pang ingredients na kasama dito.

Habang naghihiwa naman ako, narinig kong tumunog ang phone ko. May natawag.

Calling: Mommy

Hindi nga pala alam ni mommy na nandito ako. Siyempre, perfect timing na man na din siya kaya sinagot ko na ang tawag.

"Hello mommy, napatawag ka po?"

"Anak, nasaan ka ba? Kanina ka pa namin hinihintay ng daddy mo, hindi ka ba kakain dito sa amin?"

"Ano po kasi mommy, nasa bahay po ako ngayon ni Alaisa, dito na rin po ako maghahapunan. Pasensiya na po mommy, don't worry po, babawi ako next time."

"Ganoon ba? Sige sige, so mag-ingat ka diyan anak, diyan ka ba matutulog?"

"Hindi po, uuwi po ako diyan. Masyado nga lang pong mapapagabi."

"Basta nak, mag-ingat ka. Sige bye, I love you."

"Love you po, bye na din po." Alam ko namang maiintindihan na ni mommy kapag may mga instances tulad nito, nangungunang dahilan ay gusto kong makabawi sa kanya, minsan, naming dalawa at ang isa namang dahilan ay ang pagdamay.

Kinuha ko na nga ang non-stick frying fan na gustong-gusto kong paglutuan, di kasi ganoong kaubos-oras. Ginisa ko na nga ang mga kailangan kasama ang giniling. Sinunod ko na ang itlog ang ampalaya at naghintay ng mga ilang minuto.

Nag-online muna ako sa facebook at tiningnan ang news feed kong punong-puno ng mga K-papangit na mga assumera't assumero na mga mukha ng mga kaklase ko. Nag-react na lang ako ng Haha at wala akong pakialam kung ako lang ang kaisa-isang nagreact non. Nakakabuwisit ba naman. Kahit kailan, asang-asa sila na mayroong darating, napaka-immature naman ng mga asal. Look who's talking, parang di ako naging ganoon dati ah, na nasa unang baitang pa lang ng sekondarya, nagjowa na. Edi mas malupit si ako.

Tinawanan ko na lang ang sarili ko at tiningnan pa ang ibang news feed. Nakita ko naman ang post ni Alaisa, na nakaagaw-pansin naman sa akin dahil madalang lang kung mag-post yung babaeng iyon kaya tiningnan ko kaagad ito at binasa.

"YOU MAY USE ME BUT NOT ALL THE TIMES, AND NOW, YOU'RE THE USER OF YOURS." Di ko alam kung anong magiging reaction ko. Kung isa ba ito sa mga hugot of the month niya. Every month kasi siya nagpopost ng mga hugot pero kahit papaano, nagtathousand reactions and likes, tamang-tama ba naman lagi sa puso ng mga tao pero this one is exceptional, parang may pinapatamaan siya.

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now