ALAISA POV
TALAGA namang hindi ipinagkakait sa akin ng tadhana na magkita kami. Yung inakala kong matamis na kagabi, mayroon pa palang idudugtong ngayon.
Dahil napakatahimik nanaman dito sa loob, nag-ingay ako para hindi ako mabingi sa katahimikan, pero may silbi naman yung pag-iingay ko.
"Nikko? Ano bang meron sa restaurant? Bakit ginamit yung dalawang kotse?" Wala nang maisip kaya iyon na lang yung naitanong ko.
"There will be a big event at the restaurant later so your mom would not be able to be in your house this night. The said event is overnight so your mom, told me again to guard you, just this night." What a straight english! Pero, aaminin ko nang parang may mangyayari nanamang di pagkakalma ang puso ko.
Sana naman makontrol ko.
"Ganoon ba? So, mga hanggang anong oras kang mananatili doon sa amin?" Tanong ko.
"Maybe 11 to 12 of midnight. Basta, kapag dumating na si Ma'am Celia, aalis din ako kaagad." Matagal-tagal kaya matagal ko din siyang makakapiling.
Ito pa, ang lakas din naman talaga ni mommy! Hindi ko nga alam kung nagkakataon lang yung mga event sa restaurant o sadyang planado nanaman ito.
Pero alam ko namang hindi, hindi naman magsisinungaling si mommy. Tiningnan ko ang mga ulap, napakarami at masyadong maitim ang kalangitan.
Mukhang bubuhos ang ulan mamaya.
Pagkarating sa bahay, as usual, ibinaba niya ako at nagtungo sa loob, kabuntot ko. Talagang pinanindigan ang guard.
Pagkapasok, bumungad sa akin ang tres yayas naming masisipag.
"GOOD AFTERNOON ALAISA." Sabay-sabay nilang pagbati.At oo, Alaisa na lang ang tawag nila sa'kin. Ayokong tinatawag akong ma'am. Masyadong makatandang-dalaga ang tawag. Tsaka, parte na din sila ng pamilya namin kaya nagtuturingan na lang kaming mga magkakapatid.
"Hello po! Salamat po." Isa-isa ko silang bineso at pagkatapos no'n, napatigil sila na kulang na lang, malaglag ang mga panga nang makita nila si Nikko.
"Alaisa, kasama mo pala si Sir Nicolas." Ani Aling Helena.
"Ay opo, sabi po kasi ni mommy, dito muna daw po siya para daw po bantayan ako. Nasa Asia La po si mommy ngayon eh!"
"Ay oo, nasabi nga ni Ma'am Celia iyon sa amin." Lumapit sa akin ng bahagdan si Aling Helena at binulungan ako. "Pero at least, may special bodyguard ka ngayon." Medyo kinilig ako ng kaunti pero ang inilabas kong emosyon ay ang pagiging galit ng kaunti.
"Kayo naman po, wala po 'yan. Di yan papasa sa panlasa ko." Depensa ko, kahit na sa loob ko, ay ang hindi makontrol na pagtibok nanaman.
"Ok! So, pa'no ba 'yan Alaisa, balik na po kami sa trabaho, para mataas din po yung suweldo." Tumango na lamang ako ng nakangiti at nagtungo na din silang lahat sa kusina.
Ngayon na nakatayo lang ako dito, anong susunod na hakbang.
"Nikko, aakyat muna ako. Maupo ka muna."
"Sige okay lang ako dito. Go ahead!"
"O, sige!" Nagtungo na nga ako ng kuwarto.
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomansaA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...
