ALAISA POV
NEW WEEK, another life again. Ang gulo-gulo ng buhok. Ito nanaman. Palagi na lang buhaghag, wala ring kamoist-moist. Kung may moist man, panandalian lang.
Tisay-tisay, napaka-untidy sa sarili. Tsk.
Pagbaba ko ng hagdan, nahikab-hikab pa ko, ang baho pa ng hininga ko. Tinakpan ko na lang ng kamay ko para hindi na magbahagi pa. Kahit nababa na ako, nag-iistretch pa din ako para tuluyang magising ang pisikal kong diwa.
Nang makababa na ako ng hagdan, ginulo-gulo ko ang buhok ko para maganda ang aura ko.
Nang malapit na ako sa hapag, bumungad kaagad sa akin ang mga pagmumukha ng mga walanghiya kong kaibigan.
Nanggigigil nanaman ako na naiinis na naiirita na nahihiya. May hiya kasi baka nakita nila yung ginawa ko sa hagdan. Kahit kailan talaga!
"Aga-aga, nandito kayo. Ano bang tingin niyo sa bahay, park? Kaloka kayo!" Nginisian ko sila.
"Oh! Chill! Park talaga! Si tita ang nagpapasok sa'min dito." Muntikan na kong masuka sa sinabi ni Myrna. Nag-arte-artehan akong parang nagsusuka.
"Lakas maka-tita! Close lang? Ang galing!" Sumeryoso ang mukha niya. Alam ko namang pagkukunwari lang 'yon kaya gumawa ako ng eksena. Nakisakay kung baga! "Nagtatampo nanaman ang isip-bata! Uy! 'Wag na tampo, dito na mommy." Inalis niya yung kamay kong nakaakbay sa kanya.
"Ikaw kase! Si Tita na mismo ang magsabing tita na ang itawag namin." Tumango na lang ako na parang bata.
"Oo nga Alaisa. Ito naman, kahit kailan pambasag talaga. Minsan na nga lang maging close eh! At tsaka nanay mo ko! Ah hah ah hah!" Ngumiti ako ng matipid pero may pagkataray ng kaunti.
"Nanay ba kako mother! Baka mamaya, makalimutan mong may anak ka sa surprise na hatid ko." Ngiti tapos laki-mata ang ginawa ko.
Si Janna, medyo namumula na naiinis. Kinikilig na din 'yan!
"Ready Janna? What about you two? Ready? Okay, ipasok na ang surprise para kay mother." Si Janna, halatang naghintay dahil tumingin kaagad sa pinto.
Tumingin lang ako kay Janna hanggang sa pumasok yung surprise. At ang surprise na iyon ay.......
"Si Clyde?" Isang thumbs up para sa kanya. Pasok pa lang ni Clyde, lakas na kaagad ng dating. Mga pormahan pa lang, ayos na!
Si Janna, di maiwasang mapatitig sa kanya.
"Alaisa, sino siya? Gwapo naman!" Sabay nilang sabi. Nga pala! Hindi pa alam ng dalawa kong inosenteng kaibigan ang tungkol kay Clyde.
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...
