Chapter 18: Status: In A Relationship (Again)

225 67 0
                                        

NIKKO POV




FIRST OF ALL, it was my first time na tumulong ako ng sobra-sobra. Sa totoo lang, wala naman talaga akong intensyon. Siguro nga, parang nadala na ako sa pagkawala ng mga parents ko.







Ang naging connection sa buhay ko, parang ayoko nang may mawawalan pa ng buhay kasi ayokong nakikita ang mga taong nagluluksa, alam ko na kasi ang pakiramdam.






Yung kanina, actually. Malungkot talaga ako. Kahit matagal ng patay ang parents ko, naiisip ko pa rin sila. Hindi talaga maiiwasan yun. Ngayon, itong dalawang magkaibigang to, sila ang naghila sa akin mula sa negatibo at malungkot na lugar na aking tinitirhan.







Ngayon, masaya na ako. Di lang sila ang dapat magpasalamat, ako din dapat. Siguro, Diyos na rin ang nagsabing magkakila-kilala kami.






About Alaisa, kanina, di ko maexplain kung bakit ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Pinapangunahan man ako ng hiya ko, nawiwili na rin akong kasama sila, lalo na siya.





Ako'y umupo muna sa side ng pool, sinisilayan siya ng kaunti. Hindi ako kailanman nagmahal, nagmahal ng isang babae. Ngayon, ramdam na ramdam ko, ito na to.






Bigla kong nasabi sa sarili ko:






"I love you, Ms. ALAISA ROBLES. "




ALAISA POV




MULING IBALIK ANG PAG-IBIG, yan na yan ang nararamdaman ko ngayon. Tulad ng kanina, siguro iyon ang nagiging mga sanhi ng nararamdaman kong ito.





Ibinalik ko ang atensyon ko kay Janna na hanggang ngayon lumalangoy.





"Janna, upo muna tayo sa may side. Mayroon lang akong anunsyo tungkol sa mga sinabi mo kanina." Nakinig naman siya sa akin.





"Okay." Pumunta na nga kami sa may side ng pool, umakyat at umupo.






"Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin?" Seryoso niyang tanong sa akin. Actually, kahit ako ang nagsabi, di ko rin alam kung saan ako magsisimula. 60% nang utak ko ang nagsasabing sabihin ko na, 40% naman ang hindi. Pero hindi, kailangan ko nang sabihin to."






"Diba may sinabi ka sa akin kani-kanina lang, na mukhang gusto ko na yon sa Nikko." Muli, napatigil ako ng sandali. Napangunahan tuloy ako ni Janna.






"About that, diba sabi mo di mo naman type si Nikko. Naniniwala na ako baka kasi mamaya kapag chinarot-charot pa kita mag-away nanaman tayo." Huminga ulit ako ng malalim bago ko sambitin ang mga wiwikain ko sa kanya.







"Mukhang tama ka nga diyan sa hinala mo." Napalitan naman ng sobrang kaligayahan ang mukha ng kaibigan ko. Parang gusto niya pa yata akong ipaligaw kay Nikko.






"So, correct nga ako. May gusto ka sa kanya? Wag nang tatanggi, binigay mo na ang clue." Di pa rin ako magsalita. "Ay, sige, ano ba kasi. So, oo nga. Iaadvance ko na ang pag-iisip ko, okay naman siya. Wala ka namang makikitang pagkakamali kaya bet na bet ko yang guy na yan." Pinilit ko ulit ibuka ang mga bibig ko, mabuti naman at may kaunting salitang nabanggit ang mga bibig ko.






"Oo, tama ka Janna." Humiyaw naman siya sa sinabi ko. Parang mas kinikilig pa nga siya sa akin eh. Kaibigan ko talagang toh, nakukuha niya yan sa mga pinapanood niyang K-Drama. Niyakap niya ako na para bang siya yung magulang ko na malugod na tinatanggap ang mga manliligaw ko.






Forever: Is It True?Where stories live. Discover now