Chapter 12: New Alaisa

210 66 0
                                    

ALAISA POV

ISANG ARAW nanaman ang nakalipas. Maraming mga naganap kahapon pero kailangan na ito'y makalimutan para naman hindi habambuhay na magpapakatanga na lang ako.

Ganon pa rin naman, parang normal. Gising, kain, ligo, pasok. Kung dati 5 yan, ngayon 4 na lang. Dahil ang isa, panay kasinungalingan lang ang lahat ng iyon.

Tulad ng dati, ganon ang gagawin ko. Mag-aaral ng mabuti. Actually, malapit na rin ang periodical. 3 days na lang bago mangyari iyon.


Sa kabila ng mga iniisip ko, tinapik ko tuloy ang sarili ko, sumakay na ko ng taxi at pumunta na ng school. This is it, dapat ibang Alaisa na ang makikita nila, yung matalino at careful sa lahat. Kasama pa rin doon ang pagiging mapagkumbaba sa lahat.



Di naman kasi puwedeng porket ang dami kong alam na di maganda tungkol sa walang hiyang iyon, sisiraan ko na siya. Tao pa rin siya at wala akong karapatan na sirain yun.


Maaga-aga pa naman, nagpunta muna ako ng library upang magbasa ng mga info tungkol sa mga di ko pa nalalaman. Ganoon ako masuring tao. Kasama ko na rin si Janna. Sabi na nga ba, mag-aaral din to kasi top of the class kami.


Pagkalabas naman namin ng library, mga 7:15, puwede pa naman dahil di pa naman kami late, kinausap niya ako tungkol sa kahapon. Ok lang naman sa akin.


"I hope naman okay ka na kahapon, diba matibay ang kaibigan ko?"

"Di ba halata? Tingnan mo nga, parang normal pa rin ang lahat. Katulad ng dati, yung lagi tayong magkasama. Bonding, aral at ano-ano pa."


"Oh, chill. Isang sagot lang naman ang hinihingi ko eh, isang malaking OO lang. Alam ko namang nakikita ko na iyon sa loob mo."



"Hayaan mo, from now on, magbabago na talaga ako. Gagawin ko lahat ng mga payo mo. Matagal bago ko marealize na malaki pala ang halaga non."


"Oh, sige na pasok na tayo. Pero teka, handa ka na bang harapin yung hayop na yun."


"Susubukan ko. Di naman puwede na porket kinamumuhian ko yung tao eh, di na ko magpapakita. Paano ko mapapatunayan na kaya ko na. Isa pa, alam ko namang wala siyang pakialam eh. Pero kung sumusobra na siya, magkabukingan na pero gagawin ko iyon sa mabuting pamamaraan." Namangha siya sa mga sinabi ko. Naisip ko na yon kagabi pa. Expected ko na ang magiging flow ng mga event.



"Wow, nagbago na nga talaga ang kaibigan ko. Tara na, pasok na tayo." With joy kaming pumasok ng kuwarto. Nakita ko siya pero winalang-bahala ko na lang. Basta ang mahalaga, ok na.



Pagkapasok naman namin, ganon pa rin naman SIYA, tingin ko nga parang wala lang nangyari. Nakaagaw pansin lang sa akin yung mga sugat niya.



Tinanong ko ang aking kaibigan. Di ko alam kung bakit ako magtatanong sa kanya pero tingin ko sa kanya ko makukiha ang sagot.



"Janna, tingnan mo yung hayop oh, maraming sugat. Bakit kaya noh? Siguro kinarma." Nakaagaw-pansin ang pagtatanong ko ng ganoon. Parang magpapaliwanag yata ito sa akin.




Forever: Is It True?Where stories live. Discover now