ALAISA POV
LUMAPIT si Jushia sa'kin at biglang nagtaray.
"Kung inaakala mong sasantuhin kita dahil nanay mo ang famous ngayon, it's a no. Kaya huwag ka pa ring umasang iba na ang pagtingin namin sa'yo." Nilapitan ko siya't tinarayan din. Nakataas ang isang kilay ko't pinagmataasan siya.
"Hinihingi ko ba ang opinyon mo? So ano yan, share mo lang? Tsk......" Lumayo ako ng bahagdan sa kanya at nagtaray naman ako sa hangin, pero sa kanya ko talaga ipinaparating. "Palibhasa kasi, may mga taong wala lang magawa sa buhay. Papansin, palibhasa karurupok at mga aggresive. Diba Jushia?" Nakangiting pagtataray kong sabi sa kanya. "Akala mo ba di ko alam? Kaya kung ayaw mong mapahiya, itikom mo na lang 'yang palaka mong bibig. Tingnan na lang natin kung santuhin ka pa ng mga tao." Tatalikuran ko na sana sila pero biglang may humila ng buhok ko. Napaaray ako sa sakit.
"Kahit kailan talaga napakatsismosa mong babae noh? Kaya ka ginaganyan ng mga tao, kasi nga, ang dami mong alam." Siyempre hindi ako nagpatalo. Ginamit ko ang buong puwersa ko't inialis ang mga kamay niya sa ulo ko. Binagsak ko ito't binigyan siya ng isang bagsak ng aking mga kamay.
"Bakit? Hindi ba totoo? Kung hindi totoo, hindi aapaw 'yang emosyon mo sa galit. Huwag kang parang linta na bigla-bigla na kang didikit kahit hindi naman kailangan. Nadikit lang para manakit. Uulitin ko, huwag kang masyadong papansin. Kung gusto mong maghanap ng gulo, huwag ako. Diyan na lang sa mga kauri mo." Tuluyan na nga akong umalis sa kanilang dalawa. Napansin ko lang napakatahimik ni Janna. Dahil pa rin kaya iyon sa pagbubuking ko sa nanay niyang hayop?
Speaking of her demonic mother, wala akong masyadong balita. Sana nga lang kusa na siyang sumuko kung sakaling mangyari na ang balak ni mommy. Di ko ng rin ba alam kay mommy kung bakit pinapatagal niya pa.
Balik sa huling gawain ko, naglalakad na kong papuntang classroom nang may humagilap nanaman sa buhok ko.
Talagang di pa din talaga titigil. Pinalayo lang talaga ako.
"Anong sabi mo plastik? Makipagtalo siya sa mga kauri niya? Huwag din ako. Akala mo ba ganoon na lang ako katanga para hindi isipin yang sinabi mo." Napaghimay-himay ko lang na sa tingin ko, insecurity na yung tumatakbo sa kanya. Naiinggit ba siya na mas masaya na ako kaysa sa kanya. Pero di bale, hindi ko na lang sinabi baka mas lalo lang lumala.
Hanggang sa may pumigil sa amin na tao, hindi ko pa alam kung sino pero tinanggal niya ang kamay ni Janna siya mga buhok ko.
"Please stop it. Di ba kayo nahihiya, school premises ito. Just stop. Alaisa, are you okay?" Concerned na tanong sa akin ni..........
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...
