ALAISA POV
NAG-AARAL ako ngayon sa silid ko dahil mayroon akong Quiz Bee bukas, at ang maganda, kasama ko si Zach. Team kami sa competition na iyon. The competition is all about History. Ito nanaman tayo, kaya nga sana bukas maging mabuti ang kalabasan na marka ng kompetisyon na sasalihan namin.
Habang nagrereview naman ako, narinig kong may kumakatok sa pinto.
"Alaisa? Alaisa?" Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto.
"Yes? Janna? Need something?"
"A, wala naman. Gusto lang kitang kamustahin sa pagrereview mo, baka kasi mamaya bigla kang sumabog sa kaaaral mo. Eto, naghanda ako ng pagkain mo. Kumain ka muna." Tinanggap ko ang tray na may lamang bread na may palamang egg, kasama na ang orange juice.
"Bes, pasok ka muna. Saluhan mo na ako, di ko rin naman mauubos ang mga ito. 5 breads, sayo na yung 3."
"Sige, salamat." Pumasok na nga siya at umupo na rin sa kama.
"Sige na nga, stop muna ako sa review, kain muna ako." Ngumiti naman siya at kumain muna kami ng meryenda.
"Nga pala no, bukas na rin yan. Good luck sa inyong dalawa. Ganda ng tandem niyo sa competition."
"Tama ka diyan, Janna. Magdadalawang-isip pa ba kung mananalo kami? Siyempre, yes na yes na yan. Diba, noh?" Appear na lang kami doon at kinain na ang mga lamunin namin.
ZACH POV
"ANAK, anak?" sabi ni mommy habang kumakatok sa pinto. Agad ko itong pinagbuksan.
"Mom, may kailangan po ba kayo?"
"Wow, sipag sipag naman ng anak ko. Nagrereview para sa contest bukas. By the way, pinaghain kita ng makakain. O, kumain ka muna para kahit papaano, magkalaman yung sikmura mo."
"Salamat po, mommy. Pasok ka muna po." At iyon nga ang ginawa niya. Umupo siya sa tabi ko. Dahil naiinis na di ako sa dami ng mga reviewers, isinara ko muna ito at kumain.
"Mommy, kain na rin po kayo. Marami po ito, di ko po mauubos ito." Nakisalo na nga si mommy at tinanong ako sa mga bagay-bagay na nangyayari sa akin.
"Anak, kamusta naman ang school. Balita ko, may nililigawan ka?" Naka agaw pansin naman sa akin iyon. Siyempre, sa mismong bibig pa ng magulang ko nanggaling ang mga wikang iyon.
"Saan niyo naman po nahakot yan?"
"Anak, akala mo ba di ko nakikita yung mga pinaggagagawa mo. Gabi-gabi, nakikita kitang laging may dalang bouquet pauwi, sa umaga naman, pormadong-pormado ka. Kung minsan nga, binabaon mo na lang ang uniform mo at yung suot-suot mo lagi ay yung panlakad." Hindi ko lang pala siya nanay, detective din pala.
"Napansin niyo rin pala, sige na nga po, di na ko magsisinungaling. Tama po kayo, meron nga po." Napangiti naman ang nanay ko na may halong pagkamonster na akmang papatayin ako sa mga ngiti niya.
"Anak, nais lang kitang paalalahanan, bata ka pa, mas malayo pa ang mararating mo kaysa sa pakikipagjowa. Pero okay lang naman yun as long na di mo napapabayaan ang pag-aaral mo hah. Baka naman gawin mo lang biro yan, sinagot ka na ba?"
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomansA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...
