ALAISA POV
SUNDAY FEELS, init kaagad ng araw ang bumungad sa akin, talagang mas mahaba ng liwanag sa dilim.
Bumangon na kaagad ako at inayos ang pinaghigaan. Pagkababa ko ng hagdan, panay nanaman ang hikab at paggulo sa buhok ko.
May usapan kami kagabi ng mga katropa namin na lalabas kami, magsisimba muna daw kami. Sana nga lang hindi kami masunog lahat.
Isa pa, nagyaya yung dalawang lalaking yun na lumabas, sina Clyde at Nikko, treat daw nila kami ngayon. Tamang buntot na lang sila Myrna at Jushia.
Si Myrna, nabubuwisit ako dahil patay na patay sa Andy na 'yan. Nako po! Kapag siya ang namatay sa pinaggagagawa niya, huwag siyang magpaparamdamam sa'kin, maglalagay na ako ng mga pangontra para ipagtabuyan siya.
Si Jushia naman, napakamysterious ng life. Di masyadong nagkukuwento kung ano na bang ganap sa kanila ni Harfy, pero di bale, hindi na man na siya yung Jushia noon, na marupok at may pagka-flirty ng kaunti.
Kasalukuyan akong kumakain ng breakfast. Fried rice at hotdog ang breakfast ngayon na may pa-saging pa for potassium.
Nang matapos ko nang kainin yung mga nasa hapag, dumiretso na kaagad ako ng pagligo.
Isinuot ang Sunday dress ko. Pagkababa ko ulit, naririnig ko na yung mga boses ng mga kaibigan ko kaya napatakbo na ko.
"Bes! Bes!" Sigaw ni Myrna.
"O, heto na!" Sigaw ko pabalik. Sinalubong ko sila ng mainit na ulo. Di ko ba alam, kapag sila talaga, piling ko lagi akong nadedemonyo.
"Okay na! Tara na! Si Clyde?" Tanong ko.
"Nasa kotse! Buti nga nahiram nanaman. Pinapasundo ka lang niya sa amin para sabay-sabay na din tayo umalis." Sagot niya.
"Ah ganoon ba? So, tara na! Baka mahuli pa tayo sa mass." Pagyayaya ko na ikinasundo ng lahat. Sabay-sabay kaming lumabas ng bahay, sinarado ko ang pinto para secure pa din ang bahay kahit na nandito yung mga maids namin.
Sabay-sabay na din kaming pumasok sa loob ng kotse. May pinag-usapan kami sa loob para hindi ma-boring ang lahat.
Ako ang nagsimula.
"Guys! Si Nikko nga pala? Diba sabi niya sasabay siya sa'tin?" Sabi ko. Nagsabi din siya kahapon na sasabay siya sa aming lima.
"Ewan namin. At tsaka sabi niya, siya ang pupunta sa'tin. Sa simbahan pa naman yun Alaisa, kaya huwag ka munang mainip. Alisin muna ang kati hah? Makikita mo din 'yan mamaya." Nakakainis na sagot ni Myrna.
"Kati talaga Myrna ah? Sige, ibabalik ko sa'yo yung sinabi mo. Kapag si Andy nga diyan eh, kala mo kung sinong bulating inasinan na kilos ng kilos kung saan. 'Wag ako Myrna!" Depensa kong sagot.
"O? Bakit ka galit? Totoo ba kaya ka nagalit?" Mali naman talaga kasi yung gamit niya ng salita, Kati talaga? Hindi ba puwedeng nagtanong lang.
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomantizmA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...