ANDY POV
PINILI ako ng isang kaibigan ni Alaisa na si Myrna upang maging ka-date ko ngayon. Iniisip ko pa din yung sa game, nafufrustrate pa din ako na hindi ako ang nabunot.
Pero ang gusto ko lang naman talaga ay ang patawarin niya ako.
Inaya ko na lamang sa starbuks si Myrna. Kahit lang daw simple, basta kasama niya ako. Masyadong madikit 'tong babaeng ito pero okay lang, makwela naman siyang kasama.
"....oooyyy! Hello? Nandiyan ka pa ba?" Natigil tuloy ako sa mga pag-iisip. Dapat pala ang pinopokus ko ay ito, ako ang pinili, dapat may maipakita din akong magandang relasyon sa kanya.
"Oo naman, so. Tuloy mo na yung kuwento mo, bakit ka nga ba ganyan? Ang saya mo kasing kasama." Napahawak siya sa mukha niya at sa tingin ko, kinilig! Sinunod niya naman sa batok at hinimas-himas ito na para namang nahihiya. "Okay lang 'yan, huwag ka nang mahiya. Alam mo, ikaw yung tipo ng babaeng gustong-gusto kong....... makasama, kasi humorous plus intelligence equals perfect combination." Mas lalo siyang ngumiti sa mga sinabi ko.
Well, totoo naman. Masaya siyang kasama. Kung sana ganito din ang ginawa ko kay Alaisa non'g mga panahong kami pa, hindi sana ako nagsisi ng ganito.
"Ikaw naman! Huwag kang ganyan, nakakainis ka kamo! Anyway, masayang-masaya talaga ako nang makita ka. Idol kasi kita eh! Tsaka, kung ano ka pa dati, tatanggapin kita." Nilahat na talaga niya ang mga gusto niyang sabihin sa akin. Napangiti at napamangha nanaman ako sa kanya.
"Salamat ah! Nakakamangha ka talaga, kahit na hindi mo pa ako masyadong kilala, tanggap na tanggap mo na kaagad ako."
"Impressions lang naman 'yon tsaka isa pa, alam ko rin yung mga ginawa mo sa kaibigan ko. But it's okay, crush pa din kita." Medyo pagdepensa na pagtanggi niyang sambit.
"Really? Akala ko kasi di pa niya sinasabi. Pero thank you pa din sa turing mo sa'kin."
"Ano ka ba? Okay lang yun, tsaka sayang naman ang date nating dalawa. Buti nga red yung napili ko, kasi kahit sino pa ang ipapili sa'kin, ikaw at ikaw pa din any pipiliin ko. Alam ko rin naman sa sarili kong hindi pa kita masyadong kakilala pero lagi akong kikilos para mas makilala ka. Inumin mo na 'yang inorder mo, tama na ang emo." Mabuti na lang talaga at nababawi niya yung mga sugat na nararamdaman ko.
Ininom ko na nga yung inorder kong black mocha coffee, at makwela kaming nagkuwentuhan sa mga buhay namin.
ALAISA POV
WHAT THE HECK! Natatameme na lamang ako, pa'no ko 'to hahanapan ng lusot kung nagtanong na siya.
Didiskartehan ko na lamang.
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...