JANNA POV
SERYOSO siya, ano kayang sasabihin niya? Kasama pa si Andy? Di pa rin nagsisink in sa'kin ang mga pangyayari.
Nakakapanibago lang. Kanina lang napakapranka niya pero ngayon, basta. Nakinig na lang ako sa kanya.
"Um, best. May gusto lang sana akong sabihin sa iyo. It's about me and Andy."
"Then, tell me what is that? Diretsuhin mo na ako. Ayaw ko ng mga paligoy-ligoy." umiling siya bigla na naging dahilan naman ng aking pagtataka. "Alaisa, huhulaan ko, is there something happened between you and Andy? Baka naman, may nangyari na sa inyo."
"Hell no. Hinding-hindi mangyayari yon, part na rin yun ng pagrespeto niya sa'kin bilang girlfriend niya." Mukhang napadulas siya sa mga sinabi niya.
"What? Say it again? Girlfriend? Sabi ko na, hahantong nga ito sa ganito."
"Eh, Janna, pinapaalam ko lang sayo baka kasi mamaya sabihin mo, nagtatago ako ng secret sa'yo. Kahit na buhay ko to na wala dapat mangialam, di ko pa ring maiwasan na sabihin to sayo kasi, alam mo naman ang dahilan."
"Hindi naman sa di ko siya tinatanggap. Tutal, tama ka naman. Buhay mo yan kaya di ko dapat pakialaman yan. Best Friend lang kita kaya okay lang. Sige hah, alis na'ko."
"Teka, Janna, wait."
"Ah, Alaisa. Bigyan na lang muna natin siya ng time and space.
Yun na ang mga huling katagang narinig ko na lumabas sa mga bibig nila. Tuluyan ko nang inakyat ang aking kwarto.
ALAISA POV
TINGIN ko talaga, nagalit yung taong yun. Masyado kasi yung concerned sa kin. Kung kanina nga lang, kung wala siyang sakit. Malamang, sumama na yon sakin kahit sabihin pa ni Andy na kami lang dalawa.
Pagkatapos niyang pumanig ng kuwarto, kami naman ni Andy ang nag-usap. Ni hindi nga siya umimik eh pagpasok pa lang namin sa bahay nina Janna.
"Bakit ka naman nanghihinayang? Buhay mo naman yan. Pinapayuhan ka lang niya. I believe naman na dala-dala mo pa rin yun hanggang ngayon. Pinagkaiba nga lang, sa ibang tao na."
"Andy, kasi I can't explain kung bakit ko pa sinabi ang tungkol sa'tin." Panghihinayang kong sabi sa kanya. Niyakap niya na lang ako at hinalikan sa noo.
"I understand. Balang araw matatanggap niya rin ang sa ating dalawa. Hindi kasi madali sa isang kaibigan na matagal mo na siyang nakasama tapos unti-unting malelessen yung oras na magkasama kayo dahil lang sa tumuon ang isang tao sa ibang bagay."
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...