(Play Lason Mong Halik by Katrina Velarde while reading this chapter. Thank you.)
ALAISA POV
BINUKLAT ko ito at binasa.
"Alaisa, si Nikko ito. Yesterday was the happiest moment of my life pero unti-unti kong narealize na nanloloko na lang ako. Alaisa, ito na ang huling beses na makakabasa o makakarinig ka ng boses mula sa akin. Alaisa, I end up our relationship. Hindi na kita mahal. That's final. Period."
~NIKKO
Ano ba itong mga ibig sabihin niya? Nananaginip ba ako? Naramdaman kong may tumulo nanamang mga maiinit na likido mula sa singkit kong mata.
Hahantong nanaman ba ako dito? Binalewala ko ang sulat, humanap ako ng paraan. Pinuntahan ko ang restaurant na pinagtatrabuhan ni Nikko.
Hinintay kong mag-off ang mga workers bago tanungin ang head chef nila.
"Chef, may I talk to you for a while?" Itinigil muna sandali ng Head Chef ang kaniyang ginagawa. Tumingin ito sa akin at tinanggal ang kanyang eyeglasses sa mukha.
"Of course, sure. Sit there. Ms. Robles." Kilala niya pala ako. Bakit pa nga ba ako magtataka? Araw-araw nga kung ipagmalaki ako ni Nikko sa kanila, kulang na lang, iharap ako sa kanila.
"I just want to know about Nikko's whereabouts? Alam ko po kasi na baka makagather po ako ng information mula sa inyo." Ibinigay niya sa akin ang isang copy ng promotion letter na kung saan nakita kong nabanggit ang pangalan ni Nikko. Nagtaka ang aking pagmumukha sa mga sinabi ng chef ni Nikko.
"Oh, you mean Nikko Colarte. Well, he got promoted to be a cook in U.S. Actually, he's on his flight now. He just didn't inform you?" Ano? Aalis siya? Bakit wala akong alam.
"Thank you for your information, goodbye. Excuse me po." Kumaripas kaagad ako ng takbo. Kung kinakailangang tumakbong kuneho ako, gagawin ko. Gusto ko lang siyang kausapin kung bakit ganoon na lang kabilis ang pag-alis niya.
Ang sinabi niya sa letter at tungkol dito, kailangan kong malaman kung may koneksyon ba. Maiiwan nanaman ako, ganon ganon na lang yon. Agad na akong nagpunta sa NAIA airport para habulin siya. Baligtad na kung baligtad pero gusto ko siyang makausap.
Sa bilis ng mga takbo ko, ganoon din kabilis ang paghinto ko dahil sa narinig ko.
"Flight to U.S, going to depart now, be prepared. Thank you." Ito nanaman ako, tumutulo ang mga luha. Paalis na ang flight papuntang U.S. Nikko? Nasaan ka na ba? Marahan kong iniangat ang mga ulo ko mula sa pagkakatungo. Nakita ko si.......
"Nikko, Nikko, NIKKO." Pagtawag ko sa pangalan niya na nagpalingon sa kanya. Nakita kong malayo pa siya sa loob, chinecheck na kasi ang mga passport nila.
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...