Chapter 61: Enlightened

134 37 0
                                        

ALAISA POV

MUKHANG nasa panahon pa ako ngayon ng kamulatan sa mga nangyari ngayon. Para akong naglakbay ng ilang siglo pabalik tapos ipapamukha lang pala sa akin ang pagkamulat.

"So, ibig sabihin, magpinsan lang talaga kayo. Totoo 'yon?" Muli kong tanong. Napaka-awkward nang pagkakasabi ko kasi para akong nasa isang bagay na matagal ko nang gustong malaman tapos ngayon ko lang nalaman.

"Why Alaisa? Is there a problem?" Tanong ni Maila.

"Yes Alaisa. Why?" Sagot ni Nikko. Hindi ko tuloy alam kung anong ibabanat ko sa mga oras na ito.

Maling hinala lang ako. Tama si Mom Ry, masyado akong naging mapanghusga.

"Alaisa, why are you acting like a statue. Di bagay sa'yo, tsaka tingnan mo oh, baka matunaw pinsan ko niyan." May pagka-Jushia at Myrna din 'tong si Maila. Jushia kasi madalas mag-english, Myrna naman kasi masyadong makwela.

"Ito na po! Aayos na!" Inayos ko na ang upo ko. "Nikko, upo ka!" Utos ko dahil wala naman palang dahilan para ako'y magselos.

"Okay, so Alaisa, magkakilala pala kayo ng pinsan. What a perfect coincidence!" Sambit niya sabay palakpak.

"Um, Maila, oo, magkakilala kami nito. Kasi, he is the assisstant manager of this restaurant. Tapos yung mommy ko naman, yung owner plus manager nang restaurant na'to." Nabigla si Maila sa mga sinabi ko. Siguro hindi niya inasahan sa mga bibig ko 'yon.

Hindi kasi halata sa mga pormahan niya yung posisyon niya sa restaurant. Para lang din siyang ma-class na millenial na namumuhay dito sa mundo.

"I didn't expect that cousin. Why didn't you told me that? Ang cousin ko pala ay isa nang assisstant manager at yung new friend ko, wow new friend na girl, mommy niya ang owner plus manager ng Asia La. I'm impressed with that. So, tell me Alaisa, how did the restaurant grow up?" Nasa good mood na ko ngayon dahil nalaman kong maling hinala lang ang lahat ng mga in-imputate ko sa kanya.

Nang tanungin iyon ni Maila, muli kong naalala ang malungkot na nakaraan kaya tinanggihan ko muna ang pagsagot sa mga tanong niya.

"Maila, a long long long heartfelt, heartbroken, and a breathtaking story. Baka maiyak nanaman ako sa mga masabi ko. But, just look at the background. More on ang theme, about the love of the family. Yun talaga ang purpose ng restaurant na'to, hindi lang para ma-Ay Shala yung mga nalalasahan nilang food kundi para ma-Ay Shala din yung pagmamahal na nilagay doon sa food, including the love of the family. That's it for now." Tumango na lamang siya sabay simsim ng kaunting kape.

"Yeah, I see! Siguro nga kung uungkatin ko pa lahat, baka ako din maiyak. Kasi sa mga nakikita ko pa lang, I can see the love that you said."

"So Alaisa, bakit mo nga pala naitanong na magpinsan lang kami?" Biglang singit ni Nikko na agad ikinabado ng dibdib ko.

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now