ALAISA POV
NAGISING ako kasabay ng kaibigan ko. Niligpit agad namin ang higaan at sabay din kaming bumaba. Naghanda na agad siya ng pagkain para sa amin.
Naghihintay ako ng kahit isang text message kay Andy pero wala pa rin. Nangyari dun. Di bale, baka tulog pa yun. Sabi niya kasi sa akin kagabi. Ginagawa niya pa yung mga projects niya sa school. Well ako, because I am so smart and intelligent, I already finished those piece of cake projects.
Bilis noh. Kailangan maghabol, malapit na ang periodical. Anyway, bumalik ako sa realidad nang marinig kong kinakausap ako ni Janna tungkol sa pair project namin sa Math.
"Alaisa, Alaisa? Hello?" Di ko alam ang gagawin ko. Iniisip ko pa rin siya.
"Eto na, ano ba yon. Yung sa Pair Project natin sa Math. Yung calculus, basic na yon. Naibigay mo na man na yung idea mo eh at pak na pak yon sa gagawin natin." Ngumiti na lang siya dahil sa sinabi ko. Well, di niyo naitatanong, kaming dalawa ni Janna ang top of the class. Pumaibabaw nga lang ako ng kaunti sa kanya.
"Ok na pala eh. So, what can we do now? Labas naman tayo."
"Janna, puwede bang iresched muna natin yan, alam mo naman kasi ang dahilan." Biglang nagtampo ang ekspresyon ng mukha niya.
"Ikaw naman Alaisa, simula nong naging kayo na ng lalaking yan, ang unti na ng time na binibigay mo para sa'kin. Alaisa, hindi ako galit. Ang sinasabi ko lang sa'yo, magkaroon ka naman ng time para sa mga ibang taong nagmamahal sa'yo. Kahit ako, nagtatampo na sa'yo." Bigla akong napaisip, totoo ang mga sinabi niya. Mas pinagtuunan ko ang relasyon namin. Imbes na maging balanse, mas naging matimbang sa'kin yung pakikipagrelasyon.
Biglang tumulo ang mga maiinit na likido sa mga mata ko. Doon ko narealize ang lahat.
"Janna, alam ko nong una, ikaw na ang nakasama ko. Mula bata, nong wala akong masasandalan, yung naulila ako sa mga parents ko hanggang ngayon, alam kong ikaw pa rin lagi ang naandiyan. Sorry kung inisip mong naging makasarili ako sa oras. Hindi ko kaagad naisip na hindi lang SIYA yung taong nagmamahal sa'kin, kayo din, lalo ka na Janna. Kaya patawarin mo ko sa ginawa ko. Iyon ang naging malaking pagbabagong naganap sa akin kaya sana mapagbigyan pa ang aking hinihinging tawad." Ganun din siya. Nagkaroon ng drama sa aming bahay.
"Alaisa!!!" (Sabay iyak) Niyakao ko siya ng mahigpit. Napagbigyan ko ang kanyang hiling na lumabas kami. Grabeng drama yon ah. And so on, marami kaming pupuntahan, ito ang bucket list.
* Star City
* Park
* MOA
* LOVE EACH OTHER
Yung panlima talaga yung nagdala doon. Kasi among sa 3 uri, kami ay nakabatay sa "Pagkakaibigang Nakabatay Sa Kabutihan." O, may natandaan pa ko sa mga tinuro sa amin noong Grade 8, oo share ko lang, wala akong paki, boundary.
Next List: Star City. Mas intense ang mga rides, try some new challenges, pinasok ang horror house, kasabay na nun, dun kami kumain. Kung sa kaibigan ko, masayang-masaya siya. 2nd and 5th, check na check
3rd List: Park. I mean Luneta Park. Ang park na kung saan gumawa ng kababalaghan si Andy sa'kin. Muli magaalasais na ng gabi. Nakita namin yung mga fountains. Makukulay at tila kumikinang sa ganda. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari sa'min dito ni Andy, kasama na ang second kiss namin na dinaan niya na lang sa mga ngiti.
Kahit alasyete na ng gabi, nagpatuloy pa rin kami sa MOA, Hatinggabi pa naman ang sarado nun kaya sinulit na. Dito na kami kumain ng dinner.

YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...