EPILOGUE

144 26 0
                                        

7 Years Later (2032)

ALAISA POV

TAPOS na ang papel ko bilang finder. Finder ng magiging forever ko dahil tunay ko na siyang nahanap.

Ngayong araw, may dadalawin lang akong napakaimportante sa buhay ko.

Kaya kasalukuyan akong nasa sementeryo ngayon, ipinapanalangin ang kanyang kaluluwa.

Nakaluhod ako ngayon sa kanyang lapida, at tinirikan ito ng kandila at inalayan ko din ng bulaklak.

"Alam kong masaya ka na ngayon diyan sa taas. Sana nandiyan ka pa rin lagi, nakabantay palagi. At, pangakong patuloy kong itataguyod ang buhay na ibinigay sa akin ni God, kahit na marami mga problemang dumadating sa akin. At, lagi mong tatandaan, na mahal na mahal kita. Mahal na mahal na mahal!!! Sana palagi po ikaw na nakabantay sa akin, sa amin! Thank you po!" Nakaka-miss naman kasi yung unang lalaking nasilayan mo sa buhay mo.

Kaya naman nakaka-miss din na sana, nandiyan pa din si daddy, para naman sana hanggang ngayon, madagdagan yung mga sumusuporta kay mommy.

Pero sabi nga nila, ang nakaraan ay nakaraan, hindi na maibabalik pa. Tulad na lamang ng paghihirap ko sa minamahal ko pitong taon na ang nakakalipas, nakapag-move forward na ko sa mga nangyari, kaya naman sa panglimang berso ng aking katauhan, mas at mas lalo akong tumatag at lumakas.

Matapos kong dumalaw sa puntod ay nagtungo na din ang kotse. May sarili na din akong kotse dahil marunong na din naman ako mag-drive.

Kaya ko ng palagi na mag-isa.

Habang nag-da-drive naman ay muli ko nanamang naaalala ang mga nangyaring hindi maganda sa nakaraan, nakakalungkot kung iisipin pero ngayon, balewala na lang.

Siguro nga sadyang naalala ko lang!

"MaHALL na MaHALL kita, lagi mong tandaan na laging POOL OF LOVE ang nararamdaman ko sa'yo, at ang pagmamahalan natin ay laging magiging magicaLOVE. Mawala...man ako, tandaan mong hindi mawawala ang pagmamahal ko sa'yo. Kaya.....sana, hindi din mawala ang pagmamahal mo sa akin, kahit na.. malayo na ako. I... love... you, my forever!"

Muli nanaman akong napapaluha sa mga sinabi niya. Palagi ko nanamang naaalala kahit na alam ko namang tapos na 'yong pangyayaring 'yon.

Nalagpasan na 'yon kaya tapos na, hindi ko rin ba mawari sa sarili ko kung bakit.

Pero ngayon, ang alam ko ay mas sumaya ako, dahil sa nangyaring iyon, mas marami pang mga ginintuang biyaya ang dumating sa akin.

Balik sa aking ginagawang pagmamaneho, ako'y dumaan muna ng Asia La para dalawin si mommy na owner na lang ngayon, may naging manager na, ngunit wala siya sa mga oras na ito dahil may ginagawang importante.

Ako naman, ang tumayo nang assistant manager, sumunod lang kung baga sa mga yapak niya.

Pagkapasok ko ng office room ay agad kong binati si mommy na kasalukuyang nasa isang kulong na cubicle ngayon. Baka manlamig na 'yon sa aircon doon, masyado kasing enclosed.

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now