Chapter 20: Expect The Unexpected

242 67 0
                                        

ALAISA POV

NAGKUKUWENTUHAN pa rin kami ni Nikko kahit nagdadrive siya. Basta, ang saya ko. Di ako maubusan ng dadá.



Ang goal ay nagawa. Para lang kaming nasa mission. Mission of love. Tingin ko nga, di ako makakatulog. Napakasaya ko kasi ngayon. May nadeelop nanaman sa pagkatao ko.


I swear to God, SIYA na nga talaga.


"Nikko, salamat. Thank you, inenglish ko lang. Hindi, salamat talaga, salamat kasi tinanggap mo ko sa'yo, salamat kasi mas ipinadama mo pa sa akin kung ano talaga ang love, salamat kasi dahil sa'yo, mas marami pa kong natuklasan. You didn't know how happy I am today. I love you babe." Napakagandang pakinggan kung iyon lagi ang mga naririnig. Nakita ko naman sa mga mukha niya ang saya at pagmamahal.




"You're welcome babe pero ako dapat itong kailangang magpasalamat sayo. Thank you dahil sa kabila ng aking pag-iisa, nakilala kita at naranasan ko ulit ang maging masaya. Siguro, kagustuhan na rin ni God na magkakilala tayo." Patuloy pa rin akong nakangiti sa kanya. Dinugtungan ko ang mga sinabi ko.



"Wala naman tayong magagawa, basta't kagustuhan ni God, always masusunod. Plus yung destiny na rin na lalong mas nakatulong para maging ganito tayo ngayon. Too formal but iyon talaga yung gusto kong iexpress. Sabihin man nila na walang forever, patuloy akong maniniwala. Wala namang mawawala diba?" Ang haba naman ng dugtong ko. Alam ko namang nakikinig pa rin sa akin si Nikko.



"You're right babe, malay mo tayo na pala yon. Kahit mamatay ang isa sa atin, tapos di naman nawala ang pag-ibig natin, puwede pa rin namang maging forever yun diba." Tumango na lang ako sa kanya. Usapan naman ngayon ang Forever. Anyway, di ko pa ring maiwasang makatulog, pagod eh.

Yun na nga, nakatulog na ako.

JANNA POV


"YAYA, pakilagay na lang po sa mesa yung mga pagkain." pakiusap ko kay Nanay Celina, ang close kong maids.


"Sige po, Ma'am Janna." Tugon naman ni yaya. Alam kong gagabihin si Alaisa, dito ulit siya matutulog sa amin. Baligtad na nga ngayon, siya na ang madalas natutulog dito. Siguro, ayaw niya nga talagang mapag-isa.



"Ma'am, nandito na po ang mga pagkain." Ngumiti ako sa kanya at sa sobrang dami nito, mauubos ko kaya.



"Um, yaya. Kung gusto niyo po, tawagin niyo po yung mga ibang maids, sama-sama na po tayong kumain. Nanay Celina, huwag na po kayong mahiya, alam niyo naman pong parte na kayo ng pamilya namin." Tinawag na nga ni Nanay Celina ang mga iba pang maids.

Nagstart na kaming kumain. Gusto ko, palaging marami. Sayang naman yung laki ng bahay kung napakatahimik naman. Walang saya. Sila mommy at daddy naman, maya-maya nandito na rin yun.


Naisipan ko tuloy tawagan si Alaisa. Nag-excuse muna ako sa mga maids at pumunta ng labas.



Calling: Best Ko ♥♥♥ LoveLots


"Hello, Janna."


"Alaisa, gusto lang kitang kamustahin sa lakad niyo. Ok ba?"

"Sobra, as in 103% satisfied ako sa lakad namin. Enchanted Kingdom ba naman. E diba pangarap kong puntahan yun."



"Wow naman, lakas mo talaga diyan kay Nikko. Mga lalaki talaga, hilig sa sorpresa."


"O, sige na bye na, best ah. Matutulog ulit ako."  Natutulog pala siya, di ko alam, nagpaala, na rin ako sa kanya.


"Oh, sige bye na."  Call ended. Bumalik kaagad ako sa hapag-kainan. Pagkatapos naming kumain, nagpasalamat sa akin ang mga maids, niligpit na ang mga hugasin.


Forever: Is It True?Where stories live. Discover now