Chapter 3: Saving To Friendship

355 70 0
                                        

ANDY POV

"Di niyo ba talaga ititigil yan hah, respeto naman. Ayokong pumatol nang babae pero baka di ko matiis kapag ganyan ang ginagawa niyo. Kahit naman sinong tao, di magugustuhan yang ginagawa niyo." dali ko't sila'y pinagsabihan.

"Ano namang pakialam ko sa mga wala mong kuwentang kasabihan na akala mo nagsesermon." sabat ng isang babae, si Salbahe 2.

"Siguro sa inyo wala dahil wala kayong mga pakiramdam, dahil mga matitigas ang ulo nyo,o baka naman di ganoon kabuti ang pagpapalaki ng mga magulang niyo sa inyo." dagdag ko sa kanila na naging dahilan ng kanilang pag-alis.

Agad ko tinayo at kinamusta si Alaisa. Para akong nag-aalalang boyfriend niya.

"Okay ko lang ba?" concerned kong tanong sa kanya.

"Well, as if naman may pake ka, kala mo naman close." parang pasimple niyang pakontra sa kanyang mga sinabi. Di naman na ako na nagtanong pa. Dumiretso na ko sa punto, dahil ang totoo, ang dumi-dumi niya na.

"Halika na nga, sasamahan na kita sa cr pero sa labas lang ha. Ikaw naman eh." bigla naman siyang napasimangot. Siguro nga hindi siya sanay sa mga ganoon dahil di naman siya ganoong laging masaya. Nabigla na lang ako ng bigla siyan

"Pero, thank you. Siguro nga, kung di ka dumating, baka buong pagkatao na ang masira sa akin." hinawakan niya ang aking kamay at paulit-ulit na nagpasalamat.

"Ikaw naman kasi, masyado kang nagpapatalo sa mga yon, akala ko ba eh, COMPETITIVE GIRL ka, bat parang hindi ko masyadong nakikita yung---," napahinto ako ng bigla niyang pinutol ang salita ko.

"Alam mo kasi, ang pagiging competitive ko ay ginagamit ko lang sa tama. Pagiging fair sa lahat. Di ko to ginagamit upang makapanakit ng kapwa ko. Kapag ginawa ko yon, parang sinira ko na rin ang dignidad ko. O, sige na. Dito na ko. Magbibihis lang ako. Thank you, FRIEND." nabigla ako sa sinabi niya sa huli. Friend? Totoo ba to? Magkakaroon na ko ng puwang sa puso niya?

Masaya kong nilisan ang cr. Ang galing niya talaga. Marami kang matututunan sa kanya. Di ko pa rin makakalimutan yung sinabi niya sa'kin bago siya pumasok ng Cr.

ALAISA POV

HINDI ko alam kung bakit ko nasabi yun pero iyon ang dinidikta ng isip ko kaya ko nagawa yun. Pero parang ginusto ko na rin ang mga pangyayaring inapi ako.

Kasi kung di nangyari yun, di pa kami magkakalapit sa isa't-isa. Di ako nagpapahalata na gusto ko siya. Pero kanina, nong nagpakilala siya. Sa tingin ko, nahalata niya.

Nakita kong pumasok si Janna.

"Okay ka lang ba, Diyos ko po. Mga walanghiya talaga yung mga yon, how dare them?" sinamahan niya na ako sa loob at ako'y nagbihis na. Buti na lang may pamalit ako.

"Sige na." at pumasok na ako sa loob.

**********************

Bumalik na ko sa klase pagkatapos ng break namin. 30 mins. naman ang break kaya nakaabot pa ako. Kung alam niyo lang, nakakabaliw ang mga pinaggagagawa namin.

Di ko maiwasang tumingin kay Andy. Group activity kasi to but unluckily, di ko siya kagrupo. Nagsimula na ang brainstorming sa isa't-isa.

"Okay guys so may naisip ako na gagawin natin. Something more simple but with a twist. Something more natural but still, di pa rin mawawala yung mood ng mga manonood." ang suggestion ko para sa aming gagawin na "Roler Panel." na ang ibig sabihin, role play siya pero parang in a contest ka or something.

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now